Angeline sa Quiapo Church gustong magpakasal, kukuning wedding singer sina Regine at Sarah Bandera

Angeline sa Quiapo Church gustong magpakasal, kukuning wedding singer sina Regine at Sarah

Ervin Santiago |November 16,2022
share this

Angeline sa Quiapo Church gustong magpakasal, kukuning wedding singer sina Regine at Sarah

Ervin Santiago - November 16, 2022 - 03:04 PM
Angeline sa Quiapo Church gustong magpakasal, kukining ninang sina Regine at Sarah

Nonrev Daquina, Angeline Quinto at Baby Sylvio

IPINAGDIINAN ng Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto na hindi pa sila nagpapakasal ni Nonrev Daquina.

Last April nanangak ang Birit Queen at nito lang September ay ibinandera nga nila sa madlang pipol ang kanilang engagement at natsismis nga kamakailan na nagpa-secret marriage na sila.

Ito’y matapos daw silang maispatan na may suot na couple ring nang dumalong magkasama sa isang event.

“Ay hindi. Actually hindi pa ako kasal. At saka kung sakalaing ikakasal ako, malalaman at malalaman niyo naman yun. Ha-hahahaha!” ang pahayag  ni Angeline sa isang panayam.

Pagpapatuloy pa niya, “Siyempre lahat naman ng katulad ko pangarap na ikasal di ba? Pero kasi ako ang pinaka-dream wedding ko sa church.

“Kasi kapag tinatanong ako kung ang dream wedding ko sa sa beach or garden wedding, pero sa church talaga. So hopefully kung magkaroon ng pagkakataon next year sana.

“Pinag-uusapan naman namin nu’ng partner ko. Pero sa ngayon kasi priority namin si Sylvio. Siguro yung pangarap ko rin na di ko pa natutupad yung masama ko sila sa lahat ng mga bansang mapuntahan ko kagaya ni mama Bob.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Sobrang blessing na bago nawala ang mama nasama ko siya. Hindi pa (nakasama si Nonrev) abroad. Kasi nung time na yun wala pang maiiwan kay Sylvio.

“So ang hirap. Actually gusto ko sila isama pero si Sylvio, nu’ng nalaman ko na medyo tumataas na naman ang case ng COVID, eh 11 cities yung ginawa naming tour kaya medyo matagal kaya nakakatakot,” aniya pa.

Ipinaliwanag naman ng actress-singer kung bakit gusto niyang ikasal sa Quiapo Church, unang-una raw ay dahil sa kanyang pagiging deboto ng Itim na Nazareno.

“Siyempre sa Quiapo. Kasi madami talaga akong kaibigang pari doon unang una. At sila nagtatanong na rin after nung binyag ni Sylvio kung kailan ako ikakasal kasi gusto nila ako tulungan. At saka pareho din kami ni Nonrev na deboto ng Nazareno,” sabi pa niya sa naturang interview.

Tungkol naman sa mga gusto niyang kumanta sa wedding niya, “Ang gusto ko talaga si Ms. Regs (Regine Velasquez) at si Sarah (Geronimo). Ii-invite ko naman sila kapag nangyari yun.”

Angeline umaming siya ang unang nag-‘I love you’ kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko…

Angeline nag-react sa chikang siya ang bumubuhay sa fiancé at anak; hindi ililihim ang detalye ng kasal

Angeline Quinto engaged na kay Nonrev Daquina: It’s time to write a different story…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending