Jhong Hilario, Ryang Bang pinaiyak ng mga kasamahan sa Showtime; nakatanggap ng anniversary surprise | Bandera

Jhong Hilario, Ryang Bang pinaiyak ng mga kasamahan sa Showtime; nakatanggap ng anniversary surprise

Ervin Santiago |November 15,2022
facebook
share this

Jhong Hilario, Ryang Bang pinaiyak ng mga kasamahan sa Showtime; nakatanggap ng anniversary surprise

Ervin Santiago - November 15, 2022 - 12:18 PM

Jhong Hilario, Ryang Bang pinaiyak ng mga kasamahan sa Showtime; nakatanggap ng anniversary surprise

Jhong Hilario at Ryan Bang

CRY kung cry ang magkaibigang sina Jhong Hilario at Ryan Bang sa sorpresang inihanda para sa kanila ng buong “It’s Showtime” family kahapon, November 14.

Ito’y bahagi pa rin ng selebrasyon para sa ika-13 anibersaryo ng Kapamilya noontime show. Sina Jhong at Ryan ang magka-partner sa “Magpasikat 2022” ng programa.

At kahapon nga ipinalabas sa “Showtime” ang isang tribute video para sa dalawang TV host-actor bago sila mag-perform ngayong araw para sa “Magpasikat 2022.”

Mapapanood sa nasabing video ang mga pagbati at mensahe ng mga nakatrabaho nila sa programa pati ng ng ilang mga taong natulungan nila.

Ipinakita rin sa video ang ilang memorable moments ng dalawang Kapamilya stars mula noong magsimula sila bilang host ng “Showtime” at hanggang sa mga bagong paandar nila sa programa.

Matapos mapanood ang video, ipinakita sa camera ang pag-iyak nina Ryan at Jhong kasabay ng pagpapasalamat sa “Showtime” family.

Ngayong tanghali nakatakdang mag-perform sa “Magpasikat” stage sina Jhong at Ryan matapos ang pasabog na performance kahapon nina Anne Curtis, Jackie Gonzaga at Ion Perez.

Susunod namang magpapasikat bukas sina Kim Chiu, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz; Vice Ganda at Amy Perez sa Thursday, at sina Ogie Alcasid at Karylle sa Friday.

Ang “Magpasikat” ay isa sa mga traditional anniversary pasabog ng “Showtime” kung saan ang mapapanalunan nilang cash prize ay mapupunta sa kanilang chosen charity.

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Vice, Ion, Ogie, Kim naloka sa ‘fast tour’ vlog ni Jhong: Pangit ang mahabang vlog!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending