Kim Chiu nape-pressure sa solong pagho-host: Ano kayang sasabihin ng ibang tao na nagdududa sa akin? | Bandera

Kim Chiu nape-pressure sa solong pagho-host: Ano kayang sasabihin ng ibang tao na nagdududa sa akin?

Alex Brosas - November 14, 2022 - 07:34 AM

Kim Chiu nape-pressure sa solong pagho-host: Ano kayang sasabihin ng ibang tao na nagdududa sa akin?

Kim Chiu

MAYROON mang nararanasang pressure ay hindi maikakaila ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu na dream come true ang pagiging  host niya ng reality-based TV show, “Dream Maker”.

“Siyempre po ang pressure nandoon. Nandoon ang kaba. Hindi naman puwedeng mawala iyon,” say ni Kim.

Aware ang dalaga na marami pa rin siyang bashers, more so now na solo niya ang pagho-host ng “Dream Maker” kahit pa kasama niya sa show si Ryan Bang.

“Iniisip ko, ano kaya ang sasabihin ng ibang tao. Magho-host ako ng isang show. Alam mo naman, ‘yung ibang tao diyan, parang nagdududa sila.

“Pero hindi naman nila mapapatunayan kung hindi naman nila napapanood. Kung hindi pa po ako nabigyan ng ganitong chance, hindi ko rin malalaman kung saan ako aabot or kaya ko ba talaga,” say niya.

Unlike in “It’s Showtime” na marami siyang kasamang host tulad nina Vice Ganda, Jhong Hilario, Anne Curtis, Karylle, this time, solo lang ni Kim ang pagho-host niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Sobrang iba po. Aside from ako lang ang mag-isang nakatayo sa gitna, si Ryan Bang kasi kasama niya ‘yung mga mentors.

“First time ko na mabigyan ng opportunity for the longest time na akong mag-isa ang magho-host para sa ‘Dream Maker’ and I’m very grateful and I’m honored to be part of the show.

“Sobrang malaking bagay ito para sa akin, para sa career ko kaya I’m so happy and thankful,” say niya.

“Dream Maker” will have 62 young male aspirants who will go through rigid  training and the top 7 contestants will  further be trained in South Korea, where they will be officially launched as a group.

Iga-guide ang Dream Chasers  ng pinagsamang Pinoy and Korean mentors namely Angeline Quinto (Philippine power diva), Bailey May (Now United member), Darren Espanto (international performer), Thunder (MBLAQ member), Bae Wan Hee (Momoland and Lapillus choreographer), Bae Yoon-jun (Produce 101 dance mentor), Seo Won-jin (composer of K-pop hits), Bullseye! (composer), and Jea (Brown Eyed Girls vocalist).

Ipalalabas and “Dream Maker” every Saturday and Sunday, starting  Nov. 19 on Kapamilya Channel, A2Z, and Kapamilya Online Live.

Angel pangarap magkaanak ng kambal pero biglang nagbago ang isip dahil…

Diego patung-patong na pressure ang napi-feel sa pagganap bilang BBM; Cesar ‘great blessing’ ang pagbibida sa ‘Maid In Malacañang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine Lustre na-pressure bilang ‘president’ pero grateful pa rin: It makes me feel loved!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending