Diego patung-patong na pressure ang napi-feel sa pagganap bilang BBM; Cesar 'great blessing' ang pagbibida sa 'Maid In Malacañang' | Bandera

Diego patung-patong na pressure ang napi-feel sa pagganap bilang BBM; Cesar ‘great blessing’ ang pagbibida sa ‘Maid In Malacañang’

Ervin Santiago - June 26, 2022 - 11:39 AM

Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo

MATINDING pressure at kaba ang nararamdaman ngayon ng hunk actor na si Diego Loyzaga sa pagganap bilang Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pelikulang “Maid In Malacañang.”

Dream come true para sa aktor ang mapasama sa isang historical movie na ididirek ng kontrobersyal na filmmaker na si Darryl Yap under Viva Films.

Magsisimula na ang shooting ng “Maid in Malacañang” sa June 27 at super excited na si Diego na makatrabaho ang buong production ng pelikula, kabilang na ang amang si Cesar Montano na gaganap naman bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr..

“This has been a long time coming. I’ve been dying for this moment and I think, everything happens for a reason,” simulang pahayag ng aktor na mukhang handang-handa na sa pagbibigay-buhay sa karakter ng bagong halal na pangulo ng Pilipinas.

“So, siyempre, I’m excited to be working with my dad. Tulad ng sinabi niya, excited kaming dalawa. At the same time, hindi rin on a small platform kami first na magsasama,” chika pa ni Diego sa naganap na virtual presscon ng “Maid In Malacañang” kahapon.

“We’ll play the late president and the incoming president. Patung-patong yung pressure.

“It’s not just I’m working with my dad. It’s the first time I’m portraying not just a regular character. I’m playing the role of a very, very important man.

“It’s a very big deal. I feel pressured but it’s exciting. If there’s anytime I have given the opportunity to prove myself this would have been the one,” sey pa ni Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


Samantala, triple rin ang excitement na nararamdaman ni Cesar Montano sa muli niyang pagharap sa camera makalipas ang ilang taong pamamahinga sa pag-arte.

Ito ang magsisilbing comeback movie ni Cesar after so many years at ang kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nila ng anak niyang si Diego.

Sabi ni Cesar, “It is a great blessing. Napakasaya ko, I’m so excited to work with my son. Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa.”

Ayon pa sa award-winning actor, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na gagampanan niya ang karakter ng dating pangulo ng Pilipinas.

“Nakita ko sa paglaki ko si President Ferdinand Marcos. Nandoon din ako during ng pag-alis nila pero hindi pumasok sa aking panaginip o isipan na ako ang gagawa nito, ng pelikulang ito, ng karakter na ito kaya laking pasasalamat,” sey ni Cesar.

Samantala, siguradong marami ang maiintriga sa kuwento ng tinaguriang controversial film ng 2022.

Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, alamin ang bersiyon ng kwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan.
Mapapanood na ang “Maid In Malacañang” sa lahat ng sinehan sa buong mundo ngayong darating na  July 20.

Produced by Viva Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ang “Maid in Malacañang” ay isang comedy movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Tuklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.”

Ipakikita sa pelikula ang mas normal at carefree side ng First Family, malayo sa gulo ng media at opinyon ng mga tao. May ipapakilala ring mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Pilipino na may close family ties ang pamilya Marcos.

Ang “Maid In Malacañang” ay trending na bago pa man ito maging officially greenlit for production, at nakatanggap na rin ng matinding response sa  social media matapos ibahagi ng direktor ang ideya sa kainitan ng 2022 national elections.

Bukod kina Cesar at Diego na gaganap nga bilang mag-amang Ferdinand at Bongbong, kasama rin sa movie sina Ruffa Gutierrez na gaganap bilang si First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes at Ella Cruz bilang sina Imee at Irene Marcos.

And of course sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga maid sa Malacañang.

https://bandera.inquirer.net/316053/diego-loyzaga-parang-naka-jackpot-sa-pagganap-bilang-bongbong-marcos-tawagin-niyo-rin-po-akong-loyalist

https://bandera.inquirer.net/315153/ruffa-gutierrez-gaganap-nga-ba-bilang-imelda-marcos-sa-maid-in-malacanang

https://bandera.inquirer.net/315602/diego-loyzaga-cesar-montano-bibida-rin-sa-maid-in-malacanang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending