BGYO naglabas ng comeback album na ‘BE: US’, top 1 pa sa 5 bansa | Bandera

BGYO naglabas ng comeback album na ‘BE: US’, top 1 pa sa 5 bansa

Pauline del Rosario - November 04, 2022 - 05:23 PM
BGYO naglabas ng comeback album na ‘BE: US’, top 1 pa sa 5 bansa

PHOTO: Instagram/@bgyo_ph

NILABAS na ng Pinoy pop boy group na BGYO ang kanilang ikalawang album na “BE: US.”

Kasabay rin niyan ang pag-release ng kanilang bagong music video para sa isa nitong track na “PNGNP.”

Isang araw pa lang ang bagong album pero nangunguna na kaagad ito sa iba’t-ibang bansa!

Ayon sa social media post ng Star Music ay number one ito sa “iTunes Album charts” ng Pilipinas, Hong Kong, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates.

Nasa ikawalo pwesto naman ang album sa Vietnam.

Proud ding ibinandera ng local record label na ang tracks ng album ang nangibabaw sa  “iTunes Top Songs” ng Pilipinas.

Sey sa caption, “Binigyan natin ng panahon para marinig ang mga kanta mula sa ‘BE:US’ at ngayon ay sakop na ng mga kanta ang Top 10 ng @iTunes PH (Philippine flag emoji).”

Ang “BE: US” album ay mayroong walong tracks, kabilang na ang kantang “Magnet” na nauna nang mag-number one sa digital store ng mga bansang Saudi Arabia at Singapore.

October 20 ni-release ang music video ng “Magnet.”

Matatandaang sa isang panayam ay inilarawan ng P-Pop group na ang bagong album ay “extraordinary,” at “untouchable.”

Taong 2021 nang nag-debut ang grupo at ilan sa mga naging hit songs nila ay ang “He’s Into Her,” “When I’m With You,” at “The Baddest.”

Mula nang mabuo ang BGYO, tuloy-tuloy na ang paghakot nila ng parangal sa iba’t-ibang award-giving body.

Kabilang na riyan ang “People’s Voice Favorite Group Artist” na nakuha nila sa “34th AWIT Awards,”  ang “P-Pop Boy Group of the Year” sa “6th P-Pop Awards” at “TikTok Awards Philippines 2022,” pati na rin ang “Outstanding Boy Group of the Year” sa “2nd Diamond Excellence Awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

BGYO na-magnet ang mga music lover, umariba sa 3 bansa

Red Velvet, BINI, BGYO, Lady Pipay hahataw sa ‘Be You!’ concert para sa mental health awareness

‘One Dream’ concert ng BINI at BGYO trending worldwide; ang titindi ng prod numbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending