Jomari Yllana pakakasalan si Abby Viduya pagkatapos ng termino bilang konsehal, pero meron pang problema…
NANGAKO si Parañaque City Councilor Jomari Yllana sa harap ng ilang miyembro ng entertainment media na pakakasalan na niya ang kanyang partner na si Abby Viduya.
Ayon sa aktor at public servant, talagang napag-uusapan na ng celebrity couple ang tungkol sa pagpapakasal pati na ang pagbuo ng sarili nilang pamilya.
Nitong nagdaang Sabado, October 29, nakachikahan namin sina Jomari at Abby para sa media launch ng Paeng Nodalo Memorial Rally race event at natanong nga namin sa kanila kung may plano na silang magpakasal.
“We will get married pagkatapos ng last term ko,” ang mabilis na pahayag ng konsehal sa 1st District ng Parañaque.
“Alam n’yo masarap umuwi sa bahay na kasama mo ang taong mahal mo, ka-match mo. Ang dami na nating pinagdaanan, pandemic and all.
“You learn to appreciate the little things. Lalo na ang essence ng buhay. Dapat kasi ngayon, ang approach mo sa buhay, positive lang, good life. Tama na yung negativity,” pahayag ni Jom.
Ngunit ang pinoproblema nila ngayon ay kung saan at kailan sila magpapakasal dahil nga magkakahiwalay ang tirahan ng kani-kanilang mga pamilya.
Nasa Amerika ang family ni Jom habang nasa Canada naman ang mga kaanak ni Abby kaya hirit ng aktor, “So, saan kaya kami magpapakasal? Ha-hahaha! Pero, kapag magpapakasal ka kasi, ihaharap mo sa Diyos, siyempre ‘yung mahal mo talaga. Na dapat paghahandaan talaga.
“Si Abby, gusto ko makita siya walking down the aisle na naglalakad siya titingin sa kaliwa, sa kanan, makikita niya ang mga kaibigan niya, mga pamilya niya, people who are very, very close to you.
“So, ‘yun nga, saan ba kami magpapakasal? Sa Pilipinas ba? Sa Canada ba? Sa Amerika ba?” ang natatawa pang chika ni Jom.
Reaksyon naman ni Abby sa mga rebelasyon ni Jomari, “I’m happy. We’re always very vocal about how we feel. And our relationship is getting stronger. Always positive. Actually, before coming home, I didn’t want to expect anything. Usapan lang kasi namin, kung hindi kami maging okay together, dapat friends pa rin.
“Pero, nu’ng naririnig ko kanina ‘yung about kasal, kinikilig talaga ako. Ang pula-pula ng mukha habang sinasabi niya yon. But I’m not kasi the typical na dream wedding girl, kasi siguro nagsawa ako noong gumagawa ako ng pelikula, ang daming beses ko nang ikinasal.
“But this one, ito na ‘yon. Siguro, ‘pag nangyari na lang, siguro iiyak talaga ako nang iiyak. Ha-hahaha!” sey pa ng dating sexy actress.
Samantala, balik na nga sa mundo ng pangangarera si Jomari with the launch of Paeng Nodalo Memorial Rally na magaganap sa Subic Bay Freeport sa November 5 to 6.
Ito’y tribute na rin kay Paeng Nodalo, na isa sa mga haligi ng motorsports, at siyang nasa likod ng makasaysayang Mabuhay Rally.
Si Jomari ang kauna-unahang Pinoy na naka-podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014. Isa rin siya sa top three winners ng Super Race Round 8 Championship, Accent One category na sinalihan ng top racers sa buong mundo.
Ang racing team niyang Yllana GTR din ang kauna-unahang Pinoy racing team na nagwagi sa naturang event. One year din siyang nag-training bago sumabak sa Super Race championship.
“Joining it was a dream come true for me, winning in my event was a bonus,” aniya.
“Joining it was a dream come true for me, winning in my event was a bonus,” ani Jom na nanalo na rin sa Philippine National Touring Car Champion Driver 1996 bilang Rookie of the year; Runner up and Champion driver, Philippine National Touring Car Championship for Toyota Team Toms, 1997-2001, and Runner up, Philippine Grand Touring Car Championship, 2014-2015 (Yllana Racing Team).
The actor’s own motorsports outfit, Yllana Racing, with himself as team principal, took part in Philippine Grand Touring Car Championship also in 2013.
Jomari hindi inaakalang makakabalikan si Abby Viduya: Never naming naisip ‘yun
True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.