Sharon sa mga taong hindi makaintindi: Parang walang nakikinig kasi paulit-ulit, ang kulit-kulit
Ayon sa singer-actress at TV host, napilitan siyang magsalita uli dahil napakarami pa ring hindi maka-move on sa nangyari sa kanya sa Korea nang magtangka siyang mag-shopping sa Hermès.
In fairness, pinag-usapan nang bonggang-bongga ang part three ng Seoul vlog ni Mega sa YouTube kung saan naikuwento nga niya ang nasabing insidente na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Sa bagong vlog ng misis ni Kiko Pangilinan, nagdetalye na siya kung ano talaga ang nangyari at ipinagdiinang knows naman niya na kailangang magpa-schedule bago makapasok sa Hermès.
“Once and for all, sinabi ko na sa Instagram, parang wala pong nakikinig, walang nagbabasa, kasi paulit-ulit ang kulit-kulit,” simulang chika ni Shawie.
“Once and for all sabihin ko lang po, I know, of course I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go.
“Because I tried in the States and I didn’t have the time to go, so I didn’t go. Anyway, and usually kami po mga artista at iba pang tao hindi lang po artista, pero maraming artista po kami na we have our own personal shopper,” paliwanag pa niya.
“Lahat po ng bags ko, kahit ano’ng tatak kesyo Chanel, ke Hermes, ke Louis Vuitton, sila po ang nagpapadala sa akin ng pictures, kung ano’ng bago.
“Kahit ano pong tatak ‘yan at minsan po nakaupo lang ako mini-makeup-an ako, nagsho-shopping na po ako nun ng kahit ano’ng gusto ko,” lahad pa niya.
Nilinaw din niya sa mga nagkokomento na nagalit daw siya sa nangyari. Aniya, naiintidihan niya ang mga empleyado ng luxury boutique matapos siyang “harangin” ng mga ito.
“I just wanna say hindi po ako nagalit nu’ng ‘di ako pinapasok sa Hermès, dahil nagbakasakali lang po ako na baka naman puwede, because usually pag konti lang naman ang clients sa loob ‘yung shoppers, they sometimes let you in.
“So, nagbakasali lang ako, cause I just really wanted a belt because, I really truthfully do not need anything more from Hermès that I don’t already have. Okay na po ako sa mga bag ko, wala akong type na bagong kulay, so okay na po ako.
“’Yung iba hindi ko pa nagagamit, so hindi po ako nao-offend. Naintindihan ko agad ‘yung guard, wala naman kinalaman ‘yung guard. Ba’t naman sasama ang loob ko,” paglalahad pa ni Mega.
Hindi rin daw totoo na nagyabang siya sa ginawa niyang vlog matapos ibandera ang mga biniling branded bags sa ibang luxury store sa Korea.
“Nagkataon lang, eto ang Louis Vuitton sa tapat niya, eto ‘yung Hermès, ayan, nakakita na naman ako ng mga kulay na dati hindi ko nakikita sa Louis Vuitton.
“Napabili nga po ako doon, so ‘pag labas namin, hindi rin ako nagyabang. Sabi ko, ‘Yes, I cannot go? Cause, look I buy everything’, ginanun ko lang siya, pero nakangiti ako.
“Tapos, ‘yung siningit po ng editor ko, ‘yung parte ni Julia Roberts sa Pretty Woman. Sa mga Sharonian po na-kyutan sila doon, it was cute. It wasn’t meant to offend anyone,” aniya pa.
Read more:
Sharon Cuneta nilinaw ang kontrobersyal na ‘Hermes issue’: Hindi naman ako bobo
Sharon, Kiko niregaluhan ng ‘classic’ cellphone ang bunsong anak para sa kanyang 13th birthday
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.