Sharon Cuneta first time kantahin ang 'Bituing Walang Ningning', na-feel na nasa tabi niya si Cherie Gil | Bandera

Sharon Cuneta first time kantahin ang ‘Bituing Walang Ningning’, na-feel na nasa tabi niya si Cherie Gil

Therese Arceo - October 19, 2022 - 02:19 PM

Sharon Cuneta first time kantahin ang 'Bituing Walang Ningning', na-feel na nasa tabi niya si Cherie Gil
SA muling pagkakataon ay kinanta ni Megastar Sharon Cuneta ang isa sa kanyang iconic songs na “Bituing Walang Ningning”.

Ito ay naganap matapos ang ilang buwan buhat nang mamayapa ang isa sa kanyang matalik na kaibigang si Cherie Gil.

Kwento ni Sharon, first time niyang kakantahin ito sa isang concert na wala ang kanyang kaibigan kaya naman hindi kataka-taka na maging emosyonal ang Megastar.

Aniya, hindi raw niya alam kung paano niya kakantahin ito ngunit damang-dama raw niya ang presensya ni Cherie habang nasa concert.

“First time to sing ‘Bituing Walang Ningning’ in a concert since my Cherie passed two months and eleven days ago,” pagbabahagi ni Sharon.

Pagpapatuloy pa niya, “Di ko alam paano ko kakantahin kagabi… but I know somehow that she was right beside me.”

Matatandaang ang naturang awitin rin ang naging theme song at title ng kanilang hit movie kung saan gumanap sila bilang si Dorina Pineda (Sharon) at Lavinia Arguelles (Cherie).

Noong Agosto 5 nang magulantang ang mga netizens at mga personalidad sa show business matapos lumabas ang balita ukol sa pagpanaw ng beteranang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Una itong nabalitaan nang mag-post ang talent manager na si Annabelle Rama na siya namang kinumpirma ng pamangkin ni Cherie na si Sid Lucero.

Ngunit bago ang pagpanaw ni Cherie ay nagkaroon pa sila ng pagkakataon na magkita, magkasama, at magkausap ni Sharon nang lumipad ito pa-New York.

Saad ni Megastar sa kanyang IG post noong Agosto 23, “Wherever I go… you are with me… No DORINA without LAVINIA… I feel like about half of me is missing… I really miss you…18 days now and it’s like I lost you just yesterday, my Chichi… I will love you always…”

Sinabi pa nga ni Sharon na magkikita silang muli ng kaibigan ngunit makalipas ng ilang oras ay namaalam na ito dahil sa sakit na cancer.

Pebero 2022 nang magdesisyon ang beteranang aktres na ibenta ang lahat ng kanyang ari-arian sa Pilipinas at nagpakalbo pa bago ito lumipad pa-Amerika para doon na manirahan.

Dalawang buwan na ang nakalilipas pero buhay pa rin si Cherie sa puso ni Sharon at sa iba pang nagmamahal sa actress.

Related Chika:
Sharon wasak na wasak pa rin sa pagpanaw ni Cherie Gil: Love you forever and ever and ever and ever…

Sharon patuloy na nagluluksa sa pagpanaw ni Cherie Gil: Wherever I go, you are with me…No Dorina without Laviña

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta sinasabitan ng sampaguita ang litrato ni Cherie: ‘Our joke was mas mataray nga ako sa kanya ‘di n’yo lang alam’

Cherie Gil na-diagnose ng ‘rare form of endometrial cancer’: She fought bravely against her illness, with grace and strength…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending