Sharon, Kiko niregaluhan ng 'classic' cellphone ang bunsong anak para sa kanyang 13th birthday | Bandera

Sharon, Kiko niregaluhan ng ‘classic’ cellphone ang bunsong anak para sa kanyang 13th birthday

Ervin Santiago - October 25, 2022 - 05:15 PM

Sharon, Kiko niregaluhan ng 'classic' cellphone ang bunsong anak para sa kanyang 13th birthday

Miguel Pangilinan at Sharon Cuneta

SUPER happy ang bunsong anak at adopted son nina Sharon Cuneta at former Sen. Kiko Pangilinan na si Miguel Pangilinan sa natanggap na sorpresa para sa kanyang 13th birthday.

Sa October 29 pa ang eksaktong kaarawan ng bagets pero ibinigay na agad sa kanya ng kanyang parents ang regalong pinakaasam-asam niya.

Ibinahagi ng Megastar sa kanyang Instagram account ang litrato ni Miguel habang hawak ang gift nila ni Kiko — ito nga ang kauna-unahan niyang cellphone.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Pero wait lang, hindi nga ito isang smartphone tulad ng ginagamit ng mga bata ngayon sa kanilang paglalaro ng iba’t ibang games.

Sa halip, isang classic Nokia phone ang natanggap niya mula sa kanyang mga magulang base nga sa litratong ibinahagi ni Mega sa IG ngayong araw, October 25.

Ang caption dito ni Sharon ay, “Someone is turning 13 on Oct. 29 (and 27. He likes ‘having two birthdays!’) and got a new, simple phone!”

“All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one!” ang dagdag pang chika ng award-winning actress-singer at TV host.

Si Miguel ang nag-iisang anak na lalaki nina Sharon at  Kiko. Ang dalawa pa nilang mga anak na babae ay sina Frankie, 21, at Miel na nagdiwang ng kanyang 18th birthday last September.

Kamakailan lamang ay nagtungo sa Sydney, Australia si Sharon kasama ang pamilya para sa kanyang 2022 Australia concert tour. Wala pang ibinabalita ang Megastar kung kailan sila uuwi ng Pilipinas.

Promise ni Doug Kramer sa 13th wedding anniversary nila ni Chesca Garcia: I’d marry you over and over again!

John Arcilla iyak nang iyak nang balikan ang pagpanaw ng bunsong kapatid: Siya ‘yung in-expect kong makakasama ko nang matagal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang sa pagiging nanay: Walang day-off, walang 13th month pay, pero buwis-buhay para sa pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending