Pokwang sa pagiging nanay: Walang day-off, walang 13th month pay, pero buwis-buhay para sa pamilya | Bandera

Pokwang sa pagiging nanay: Walang day-off, walang 13th month pay, pero buwis-buhay para sa pamilya

Ervin Santiago - May 14, 2022 - 06:45 PM

NAPATUNAYAN ng Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang na ang isa sa pinakamahirap na “trabaho” sa mundo ay ang pagiging nanay.

Bukod nga naman kasi sa walang sweldo, walang bonus at walang day-off, hindi rin pwedeng mag-resign ang isang ina at basta na lang mag-AWOL (absence without leave) sa kanyang mga responsibilidad at obligasyon ang mga nanay.

Kaya naman maituturing ding mga superhero at bayani ang mga mommy lalo na ang mga single mother na mag-isang nagpapakahirap at nagsasakripisyo para mabigyan ng magandang future ang mga anak.

“Walang day-off, walang 13th month pay, wala lahat ‘yan. Pero buwis-buhay ika nga para sa pagmamahal,” ang pahayag ni Pokey nang mag-guest siya sa isang episode ng “Sarap Di Ba?” na napapanood every Saturday morning sa GMA 7 hosted by Carmina Villarroel and family.

May payo naman ang veteran comedienne sa lahat ng mga anak, “Hangga’t buhay pa ang mga nanay ninyo, yakapin niyo araw-araw. Araw-araw niyong sabihin ang ‘I love you.’ 

“Hindi lang every Mother’s Day. Dapat everyday is Mother’s Day,” ang mariing sabi pa ni Pokwang.

Samantala, pinayuhan rin ng komedyana ang lahat ng magulang na huwag basta-basta husgahan ang kanilang mga dyunakis kapag nakakagawa ng sablay o pagkakamali.

“Sabi nga nila, ang pagkatao natin, nagsisimula sa loob ng tahanan, kung paano tayo hinuhulma ng ating mga magulang.

“Pero kasi hindi rin naman natin puwedeng sisihin ‘yung parents kung may nagagawang pagkakamali ‘yung mga bata,” aniya.

View this post on Instagram

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Siguro ‘yung mga pagkakamaling nagagawa ng mga bata, huwag nating pintasan ang mga magulang. Kunin natin ‘yung matuto sila doon sa kanilang pagkakamali para habang naggo-grow sila, ‘yung mistakes na nagawa nila, ‘yun naman ‘yung magpapatibay sa kanila.

“At ituturo naman nila sa magiging anak nila, doon sa pagkakamali na ‘Huwag niyong gagawin ‘yon kasi hindi ako nag-success sa ganoon,'” sabi pa ng komedyana.

May diin din ang pagkakasabi ni Pokey na totoong obligasyon ng mga magulang na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak, pero hindi rin dapat laging naghihintay o umaasa ng kapalit ang mga ito.

https://bandera.inquirer.net/310339/pokwang-nawindang-sa-mga-madaling-makalimot-bilib-sa-mga-taong-pinapahalagahan-ang-boto

https://bandera.inquirer.net/291472/pokwang-tinulungan-ni-kris-noong-mawalan-ng-trabaho-sa-abs-cbn

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280651/angelica-sa-mga-nasasakal-na-sa-ldr-ang-sarap-minsan-na-may-day-off-wag-muna-kayo-mag-usap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending