RR Enriquez 'nakisawsaw' sa isyu nina Wilbert at Zeinab: Mas lalong minahal ng tao si... | Bandera

RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Wilbert at Zeinab: Mas lalong minahal ng tao si…

Therese Arceo - October 29, 2022 - 08:04 PM

RR Enriquez 'nakisawsaw' sa isyu nina Wilbert at Zeinab: Mas lalong minahal ng tao si...
NAGBIGAY opinyon rin ang tinaguriang “Queen SawsaweRRa” na si RR Enriquez sa naging isyu sa pagitan ng talent manager na si Wilbert Tolentino at social media influencer na si Zeinab Harake.

Sa kanyang YouTube video ay ibinahagi niya na kaya raw nagawa ng talent manager ang kanyang kontrobersyal na “rebelasyon” dahil nais raw nitong “pabagsakin” ang social media influencer.

“Itong si sir Wilbert has ulterior motive. And feeling ko yung motive na yun is baka pabagsakin si Zeinab,” saad ni RR.

Matatandaang nag-post ng video ang talent manager nina Madam Inutz at Hipon Girl na tila “in-expose” ang hindi magandang sinabi ni Zeinab patungkol sa kapwa influencers nito at ilang mga celebrities sa pamamagitan ng pagpapakita ng screenshot ng kanilang private messages.

Pagpapatuloy naman ni RR, “Kasi nga siyempre siguro masama ang loob niya. Kasi alam mo ako, kung halimbawang masama man ang loob ni Sir Wilbert kay Zeinab, matatanggap ng lahat ng tao yun e kahit ako bilang manonood… isiwalat niya na binabayaran niya si Zeinab. Okay lang ‘yun.

“Pero ang hindi maganda talagang ginawa ni Sir Wilbert is ‘yung kailangan niyang sabihin ‘yung mga private messages nila ni Zeinab na hindi na part.”

Ayon pa kay RR, paniguradong may plano talaga si Wilbert dahil bakit raw nito ilalabas o ipapakita ang mga screenshots kung wala itong motibo.

“Masama ‘yung motive mo, gusto mo masira siya sa mga tao which is doon nagkamali si Sir Wilbert. Ang hindi niya alam, mas minahal ng tao si Zeinab.

“Gaya ngayon, humihingi ng sorry si Zeinab. Inako niya ang kanyang pagkakamali. So ang nagmukhang masama ang ugali at pangit sa mga tao ay walang iba kundi si Wilbert,” talak ni RR.

Aniya, maski siya ay hindi nagustuhan ang ginawa nitong paglaglag sa kanyang kaibigan.

“Nakakatakot siyang maging kaibigan. Alam mo ‘yun? ‘Yung parang ang dami-dami niyang bala sa ‘yo. Kumbaga pinagkatiwalaan mo siya… tapos gagamitin niyang bala ‘yun pamain sa ‘yo. Ang mga ganyang klaseng tao dapat iniiwasan iyan,” lahad pa ni RR.

Sey pa niya, “I’m sorry Sir Wilbert, I’m just being honest.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

At kung babaguhin naman daw ni Wilbert ang ugali ay pupwede pa rin naman daw siyang magsabi ng secret kahit kaonti.

Related Chika:
RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us

RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending