DFA tinatanggap na ang ‘e-PhilID’ sa passport application | Bandera

DFA tinatanggap na ang ‘e-PhilID’ sa passport application

Pauline del Rosario - October 23, 2022 - 10:37 AM

Printed ePhilID

Printed ePhilID (PHOTO: Facebook/Philippine Statistics Authority)

APRUB na sa Department of Foreign Affairs o DFA bilang “valid government-issued ID” ang “e-PhilID” o ‘yung printed digital version ng “Philippine Identification System” o PhilSys.

Ang PhilSys ID ay madalas din nating tawagin bilang “National ID.”

Sa isang pahayag ng DFA na makikita sa kanilang website, inanunsyo nila na nagsimula ang epektibo nito noong October 21.

Sabi ng DFA, “Nais ipaalam ng  Kagawaran ng Ugnayang Panlabas-Tanggapan ng Ugnayang Konsular (DFA-OCA) na simula Biyernes, 21 October 2022, ang ePhilID ay tatanggapin na bilang accredited government-issued valid ID para sa pagkuha ng passport.”

Inabisuhin rin nila ang mga nais mag-apply ng passport na siguraduhing malinaw at nababasa ang mga impormasyon sa “digital copy” ng PhilSys ID.

Saad sa pahayag, “Mangyaring bisitahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa digitized version ng PhilSys ID (National ID).

“Pinapaalala ng DFA na kailangang siguraduhin na ang printed na kopya ng ePhilID ay malinaw, nababasa, at naglalaman ng mga detalye na tugma sa mga detalye na ipapasa para sa pag-apply ng passport.”

Noong October 21 din nang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority o PSA ang pagpapatupad nila ng “printed National ID.”

Sinimulan daw ito ng PSA para mapakinabang agad ng mga PIlipino ang benepisyo nito.

Sabi sa isang Facebok post,  “ang printed e-PhilID ay bahagi ng proactive na strategy ng PSA upang agarang mapakinabangan ng ating mga kababayan ang mga benepisyo ng PhilSys.”

Nilinaw din ng ahensya na kahit mayroon nang printed e-PhilID ay pwede pa ring makuha ang “physical” ID ng PhilSys.

Maaaring bumisita ang mga nakapagrehistro na ng National ID sa online appointment system sa link na ito – https://appt.philsys.gov.ph

Diyan ninyo makikita kung naibigay na ang inyong PhilSys number.

Sa pamamagitan din ng website ay pwede kayong magpa-appointment para naman sa pag-claim ng printed e-PhilID.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robin Padilla nabwisit sa ‘barumbadong’ opisyal ng DFA: Senador ako, respetuhin mo ‘ko

DFA nagkasa ng karagdagang dalawang diplomatic protests laban sa China

DFA chief Locsin, ipinagtanggol si Angel laban sa red tagging

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending