DFA chief Locsin, ipinagtanggol si Angel laban sa red tagging
Maging si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ay ipinagtanggol si Angel Locsin sa harap ng kontrobersyal na isyu ng red tagging sa mga celebrities.
“Angel Locsin has done more with her life for others than anyone I know of in her situation,” ayon sa tweet ni Locsin nitong Sabado. “Anyone messes with her will get it. I am not allowed to threaten on Twitter.”
Sa kontrobersyal na pahayag ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr., hepe ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines, sinabi niyang dating naging myembro ng New People’s Army sa lalawigan ng Quezon ang kapatid ni Angel na si Ella Colmenares.
Pero ayon kay Parlade, sa kasalukuyan ay wala na sa guerilla front si Colmenares.
“She’s now again doing legal work with Gabriela, recruiting members for Gabriela,” wika niya sa panayam ng ABS-CBN News Channel.
Binanggit ni Parlade sina Angel at Ella Colmenares sa nauna nitong pahayag na nagbababala kay Liza Soberano sa umano’y totoong pampulitikang kulay ng Gabriela.
Ito ay matapos na maging guest speaker si Liza sa isang webinar ng Gabriela Youth kung saan tinalakay ang mga pang-aabuso at karahasan na nararanasa ng kababaihan at mga bata.
Nitong Biyernes ay binasag na rin ni Angel ang kanyang katahimikan sa isyu at nanawagan sa mga awtoridad na “tigilan na po ang red tagging.”
“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group,” ani Angel sa kanyang Instagram post ng litrato niya na naka-red dress at red lipstick.
Tiyo ni Angel si Neri Colmenares, isang human rights lawyer at dating representante ng Bayan Muna partylist group sa Kamara de Representantes.
“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala,” wika pa ni Angel.
“Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako ‘red.’ Magkaiba lang tayo ng paniniwala,” dagdag pa niya.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang aktres sa panganib na maaring idulot ng malisyosong red taggin kagaya ng ginawa ni Parlade, isang myembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Insurgency o NTF-ELCAC.
“The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger,” pagdidiin ni Angel.
Kilala si Angel sa kanyang mga mapagkawang-gawang aktibidad. Katunayan, noong 2019 ay itinangghal siya ng prestihiyosong Forbes Magazine na kabilang sa “Asian Heroes of Philanthrophy.”
Maging ang kapatid niyang si Ella ay nagsalita na rin.
“I do not have to defend myself as I have not done anything wrong but I decided to speak up, not just for myself but also for my children, whose lives may have been endangered because of this reckless red-tagging being broadcasted on social media,” wika ni Ella sa kayang post sa Twitter.
“Yes, I believe in the protection of women’s rights and human rights, the same advocacies that Angel and Neri fight for, but so do millions of Filipinos across the country. That doesn’t mean that I’m a member of the NPA as what is being claimed,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.