Liza isa nga bang rebeldeng komunista? ‘Hindi pa,’ ayon sa hepe ng Solcom
Si Liza Soberano, isa na nga bang rebeldeng komunista?
Hinay-hinay lang umano sa pag-akusa kay Liza, ayon sa commander ng Southern Luzon Command na si Lieutenant General Antonio Parlade Jr., dahil hindi aniya o “hindi pa” myembro ng New People’s Army ang aktres
“Let us not red-tag Liza Soberano. It’s not fair to her,” ani Parlade sa isang pahayag. “She is merely supporting advocacy for women’s rights.”
Naging guest speaker kamakailan si Liza sa pagtitipon ng mga kasapi ng Gabriela Youth, ang organisasyon ng mga kabataang babae, kung saan tinalakay ang isyu ng karahasan laban sa mga babae at bata.
Naging emosyonal pa si Liza sa mga balita kaugnay sa tumataas na bilang ng kaso ng mga pagsasamantalang sekswal sa mga batang babae ngayong panahon ng pandemya.
Ito ay bagay na hindi nagustuhan ng vlogger na si Maui Becker. Noong Oktubre 14, sinabi niya sa kanyang livestream sa YouTube na si Liza ay sumapi na sa Gabriela Youth na isa umanong front organization ng Communist Party of the Philippines.
“LIZA SOBERANO, MIYEMBRO NA NG NEW PEOPLE’S ARMY?” ang nakasulat na titulo ng vlog.
Sinabi pa ng vlogger na mukhang walang kamalay-malay si Liza na ang “Gabriela ay salot sa lipunan, miyembro ng mga terorista at komunista, rebelde, NPA, front ng NPA.”
“At wala kang ka ide-ideya. E kung ganyan na wala kang kaalam alam Liza, e manahimik ka. At hands off our children, Liza, you stupid b****,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Parlade na kailangang mapaliwanagan si Liza at iba pang celebrities na aniya ay target ng underground organization na pinapatakbo ng mga komunista.
“She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet,” ani Parlade.
“So let’s help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women’s Party,” dagdag nito.
“So, Rep. Arlene Brosas and Gabriela, shame on you if you haven’t informed your recruits about your hidden violent agenda,” wika pa ni Parlade.
Si Brosas ang kumakatawan sa Kamara sa partylist group na Gabriela Women’s Party.
“The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” dagdag nito.
Si Ella Colmenares ay kapatid ni Angel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.