PSA nakapagbigay na ng mahigit 40 million na mga National ID ngayong Enero | Bandera

PSA nakapagbigay na ng mahigit 40 million na mga National ID ngayong Enero

Pauline del Rosario - January 28, 2023 - 03:15 PM

PSA nakapagbigay na ng mahigit 40 million na mga National ID ngayong Enero

PHOTO: Grig Montegrande

NAGBIGAY ng datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa bilang ng mga na-isyuhan na ng National ID.

Base sa kanilang report, umabot na sa 40,869,141 ang mga nabigyan ngayong January 2023.

Halos doble ito sa mga nabigyan noong nakaraang taon na umabot lamang sa mahigit 22.5 million.

“The PSA has successfully delivered and issued a combined 40,869,141 PhilIDs and ePhilIDs to registered persons nationwide,” lahad sa inilabas na pahayag ng ahensya.

“According to the latest figures, 22,585,547 are delivered PhilIDs as of 20 January 2023, and 18,283,594 are issued ePhilIDs as of 25 January 2023,” anila.

Sinabi rin ng PSA na napabilis ang kanilang pagpapadala dahil sa koordinasyon na rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Postal Corporation.

“To complement these efforts, the PSA also piloted the implementation of the downloadable ePhilID, which allows registered persons to download a PDF copy of their ePhilID on their mobile devices,” ani ng PSA.

Samantala, una nang ipinaliwanag ng PSA na ang kaso ng “close matches” ang dahilan kaya marami ang naaantala sa pamimigay ng National ID.

Sabi pa ng ahensya, may mga pagkakataon na kailangan pa nilang gumamit ng mano-manong pag-verify dahil ang iba ay halos magkapareho na ang mga impormasyon.

Read more:

Imbentaryo ng bigas sa bansa bumagsak noong nakaraang buwan – PSA

Netizen na may hugot sa National ID, viral na: ‘Dear PSA, pumayat na ako kahihintay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkakaantala sa pag-isyu ng National ID sinisi sa mga kaso ng ‘close matches’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending