Mga sakit sa puso pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas –PSA
PATULOY na nangunguna bilang dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino noong 2022 ay mga sakit sa puso.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 563,465 deaths ang naitala sa bansa sa loob ng sampung buwan noong nakaraang taon.
‘Yan ay mas mababa kumpara sa 823,227 recorded deaths sa parehong panahon noong 2021.
Sinabi ng PSA na ang Ischemic heart diseases o ang panghihina ng puso na dulot ng pagbaba ng daloy ng dugo ay nagdulot ng 103,628 o 18.4% na mga kamatayan sa bansa at ito ang number one sa “causes of deaths” mula noong Enero hanggang Nobyembre ng taong 2022.
Sumunod naman diyan ang cerebrovascular diseases na may 57,411 deaths o 10.2%, at ang neoplasm ay nasa ikatlong pwesto na may 57,354 na mga kaso.
Samantala, ang COVID-19 ay nasa ika-labing isa sa listahan na nagtala lamang ng 11,377 cases o 2% ng total deaths noong nakaraang taon.
“This shows a decline of -85.6 percent from the 111,599 deaths due to COVID-19 that were registered in the same period in 2021,” saad ng PSA.
Narito ang listahan ng “Top 10 leading causes of deaths” para sa taong 2022:
-
Ischemic heart diseases
-
Cerebrovascular diseases
-
Neoplasms
-
Diabetes mellitus
-
Hypertensive diseases
-
Pneumonia
-
Chronic lower respiratory diseases
-
Other heart diseases
-
Remainder of diseases of the genitourinary system
-
Respiratory tuberculosis
Read more:
PSA nakapagbigay na ng mahigit 40 million na mga National ID ngayong Enero
Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!
Imbentaryo ng bigas sa bansa bumagsak noong nakaraang buwan – PSA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.