Ex-Goin' Bulilit star Trina Legaspi buntis na sa 1st baby: It's not a prank anymore! | Bandera

Ex-Goin’ Bulilit star Trina Legaspi buntis na sa 1st baby: It’s not a prank anymore!

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 11:56 AM

Ex-Goin' Bulilit star Trina Legaspi buntis na sa 1st baby: It's not a prank anymore!

Trina Legaspi at Ryan Jarina

BUNTIS na ang dating child star na si Trina Legaspi sa first baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Ryan Jarina.

Ibinandera ng mag-asawa sa madlang pipol ang good news kalakip ang ilang litrato nila ni Ryan kung saan makikita ang baby bump ng future mommy.

Sa Instagram page ng dating “Goin’ Bulilit” star, ibinahagi nga nina Trina at Ryan na super excited na silang makita ang kanilang little “Hopia Jarina.”

Ang announcement tungkol sa pagbubuntis ng aktres sa publiko ay nangyari isang buwan bago nila ipagdiwang ni Ryan ang first year anniversary nila as married couple.

“From all the nanay roles to becoming a real-life mother! Can’t wait to see you, our little ‘Hopia Jarina,’” ang caption ni Trina sa kanyang IG post.

Paniniguro pa ni Trina sa kanyang socmed followers, “It’s not a prank anymore!”

Hindi pa ni-reveal ng mag-asawa ang gender ng kanilang unang anak at hinikayat ang mga netizens na hulaan kung lalaki ito o babae.

Samantala, nag-post din sa IG ng mga pictures nila ni Trina si Ryan at tinawag ngang malaking blessing ang pagbubuntis ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)


“Almost a year after our wedding, God gave us another blessing! Can’t wait to see you next year anak,” ang pahayag ni Ryan.

Bumuhos naman ang congratulatory message sa IG page ng mag-asawa. Ilan sa mga celebrities na bumati sa kanila ay sina Elisse Joson, Sue Ramirez, Chie Filomeno, Benedix Ramos at ang kasamahan ni Trina sa “Goin’ Bulilit” noon na si Jane Oineza.

Sa isang panayam, sinabi ni Trina na handang-handa na sila ni Ryan na bumuo ng sariling pamilya, “My heart is really full of love. Siyempre I still have lots of things to learn.

“Marami pa rin akong nilu-look forward. And hopefully, after a year of honeymoon, ‘di ba, that’s the time that we could plan na to have a family na rin one day,” aniya.

November, 2021 nang magpakasal sina Trina at Ryan sa pamamagitan ng isang private wedding ceremony sa Holy Trinity Church.

Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19

Belle Mariano nakapasok agad sa ‘Goin’ Bulilit’ kahit hindi dumaan sa audition, anyare?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba ‘yung pinuntahan ni Carlo Aquino?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending