Trina Legaspi bilang first-time mom: Araw-araw talaga ‘kong umiiyak
ARAW-ARAW umiiyak ang aktres at dating “Goin’ Bulilit” star na si Trina “Hopia” Legaspi noong bagong panganak pa lamang sa panganay niyang si Kaela.
Hands-on nanay ang celebrity first-time mom kaya naman hindi muna siya tumatanggap ng anumang acting project ngayon.
Nagbahagi si Trina ng mga latest ganap sa kanyang personal life, kabilang na ang pagiging nanay sa latest vlog ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano.
“Full-time mom talaga. Nakakatuwa kapag nakita mo siyang lumaki. Gusto ko lahat ng milestones nandu’n ako,” simulang kuwento ni Hopia patungkol sa anak nila ng asawang si Ryan Jarina.
“Bilang first-time parents rollercoaster siya of emotions parang nu’ng newborn pa siya, everyday ako umiiyak.
View this post on Instagram
“It is more of ako, ‘yung hormones ko all over the place, and ngayong eventually nung naranasan namin ‘yung post-partum, naka-adjust-adjust na ganyan and natutuwa kami kapag nakikita siyang lumaki and kami rin naggo-grow kami,” dagdag pang chika ng dating child star.
Inamin ni Trina na ang plano talaga nila ni Ryan ay magka-baby a year after their marriage pero nabuntis siya agad limang buwan pa lamang matapos silang magpakasal.
Aniya, medyo nagduda siya kung handa na siyang maging mommy, “Nu’ng una at least one year (after ng kasal) kasi gusto namin ma-enjoy ‘yung isa’t isa, ‘yun after five months I got pregnant.
“Una na-shock ako (nang malamang buntis). Ang weird nu’ng naramdaman ko kasi dapat happy ako kasi blessing siya, eh. Pero parang na-sad ako, parang nagkakaroon ako ng worries na kaya ko bang maging isang ina?
“Am I mature enough? I am mentally prepared for this na may bubuhaying bata, na may responsibility na?” sabi ni Trina.
Baka Bet Mo: Dating ‘Goin Bulilit’ star Hopia Legaspi ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa
Pero napagtanto raw ni Trina na perfect timing ang pagdating ni Kaela sa buhay nila ng asawa lalo na nang malaman niya ang tungkol sa kanyang health condition.
“Ngayon na I have Kaela, talagang perfect time siya for us to have a baby kasi recently nga nagkaroon ako ng executive checkup and nalaman ko na I have PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) pala.
View this post on Instagram
“Sabi ng OBGYN, ‘Ah, swerte pala kasi nagka-baby agad.’ So sabi ko talagang right time talaga siya ni Lord. Okay na rin na nandyan na si Kaela, sobrang blessing talaga siya for us,” aniya pa.
“Looking back ano talaga right time talaga na ma-experience ko itong season na ito,” dugtong ni Hopia.
Patuloy pa niya, “Simula pa lang nu’ng nanganak pa lang ako, sobrang thankful ako kay Lord na na-experience ko siya. Actually kahit masakit manganak.
“Thank you Lord I get to experience this. Galing siya sa akin, nakabuo ako ng life. Hanggang ngayon thankful ako kay Lord na na-experience ko ito,” sabi ni Hopia.
“Parang God’s love siya, parang how God loves ‘yung anak niya. Ganun ‘yung naramdaman ko. Ito maliit pa lang ito, what more ‘yung pagmamahal ng Lord, ganun ‘yung feeling,” mariin pang pahayag ni Trina.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account na nanganak siya kay Kaela noong March, 2023.
“8 hours of labor and 1 hour of pushing, thank you Lord for giving me the strength!! #normaldelivery. Welcome to the world, Baby Kaela!” ang caption niya sa ipinost na litrato ng anak sa IG last May, 2023.
“Parang nag-slow mo ‘nung narinig ko na iyak niya, sobrang surreal, ‘di ko mapigilan umiyak. You are worth all the pain our baby girl. Daddy and I love you so much!” mensahe pa ni Trina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.