Elisse ‘di masyadong hirap bilang first-time mom; hero ang turing sa ina
WALANG anumang bagay o halaga ng pera ang pwedeng makatumbas sa nararamdamang kaligayahan ng ina kapag kapiling ang kanilang mga anak.
Yan ang napatunayan ng Kapamilya actress na si Elisse Joson bilang first-time mom sa anak nila ng kanyang partner na si McCoy de Leon na si Felize.
Sa isang panayam, nabanggit ni Elisse na isa sa mga biggest blessing na natanggap niya sa kanyang buhay ay ang pagdating ni Felize at ang pagiging ina.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu
Ayon pa sa aktres, palagi siyang looking forward na umuwi ng bahay galing sa trabaho dahil makikita at makaka-bonding na niya uli ang anak nila ni McCoy.
View this post on Instagram
“Everyday uuwi sa bahay and then lagi na naka-hug tapos sasabihin na ‘I love you mommy.’ So parang everything I did within the day, it’s all worth it kapag narinig ko yun,” ang sabi ni Elisse.
Nagbigay din siya ng payo sa lahat ng first-time mothers na medyo nahihirapan sa pag-aalaga sa kanilang mga baby.
“I think being a mom is easy and hindi rin siya…wala siya talagang guide, wala siyang rules.
“There are no rules for it so think down the line everyday you’re going to learn how to care for your child and it’s different for every mom.
“We need to accept that it’s different from everyone and just go with what you feel like is best for your kid,” pahayag ng aktres.
Kasunod nito, nagpasalamat din si Elisse sa kanyang nanay na isa rin sa mga inspirasyon niya lalo na ngayong isa na rin siyang mommy.
View this post on Instagram
“Well, my mom, I think siya talaga ang aking hero and ever since I was a child it was me and her.
“Lahat ng sacrifices niya, ngayon ko siya na-appreciate ngayon ako na ay isang nanay na rin. I just want to let her know that I appreciate every love and sacrifice that she’s given me kasi ngayon ko siya din nagagawa sa sarili kong anak.
“So, I want to thank her. I want to thank you mommy and I love you so much kahit na we don’t see each other everyday, I’m still your baby,” mensahe ni Elisse sa kanyang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.