Trina Legaspi nagluluksa sa pagpanaw ng alagang aso na si Tubby: ‘Sobrang sakit!’
WASAK ang puso at matinding lungkot ang nararamdaman ngayon ng actress-vlogger na si Trina Legaspi o kilala bilang “Hopia” sa comedy kids show na “Goin’ Bulilit.”
Pumanaw kasi ang kanyang sampung taon na alagang aso na si Tubby.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Trina ang litrato at video ng kanyang pagluluksa habang nakaburol ang kanyang pet dog.
Makikita rin na ibinahagi ng aktres ang ilang throwback pictures nila ni Tubby.
“If only I could go back time, I would cuddle with you again,” wika niya sa post.
Caption pa niya, “It’s so heartbreaking to lose you, Tubby [heartbreak emoji] I miss you so so much!! Sobrang sakit [crying emoji].”
“Thank you for bringing joy in our lives for 10 years,” ani pa ni Trina.
View this post on Instagram
Bukod sa mga “condolences,” tila naka-relate din ang ilang netizens na namatayan ng pet animals.
Narito ang ilan sa mga shinare nila:
“Same here feeling din po namatay din po dog ko 9 years sya samin [sad face emojis]”
“The thought of losing my fur baby makes me anxious, what more when they will leave me. I hope and pray not too soon [folded hands emoji] Condolences to you Ms. Trina [sad face emojis]”
“‘Yung aso ko din namatay. Hanggang ngayon mahirap pa mag-move on [crying face emojis].”
“Masakit mawalan ng mga alaga lalo na kung gnon katagala mo silang nakasama.”
Sa taong ito, hindi lang si Trina ang na-heartbroken sa pagkawala ng pet animals.
Ilan lamang sa mga artista na nagluksa rin ay sina Carla Abellana, Jhong Hilario na nawalan ng alagang aso, habang sina Janella Salvador at Bela Padilla ay namatayan ng alagang pusa.
Related Chika:
I survived COVID-19! Grabe ‘yung experience na ‘to! – Hopia Legaspi
Belle Mariano nakapasok agad sa ‘Goin’ Bulilit’ kahit hindi dumaan sa audition, anyare?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.