Belle Mariano nakapasok agad sa 'Goin' Bulilit' kahit hindi dumaan sa audition, anyare? | Bandera

Belle Mariano nakapasok agad sa ‘Goin’ Bulilit’ kahit hindi dumaan sa audition, anyare?

Ervin Santiago |July 10,2022
facebook
share this

Belle Mariano nakapasok agad sa ‘Goin’ Bulilit’ kahit hindi dumaan sa audition, anyare?

Ervin Santiago - July 10, 2022 - 06:48 AM

Donny Pangilinan at Belle Mariano

BINALIKAN ng Kapamilya young actress na si Belle Mariano ang pagsisimula niya sa mundo ng showbiz para sa kauna-unahang vlog niya sa YouTube.

Sinagot ng ka-loveteam ni Donny Panginan ang ilang tanong tungkol sa kanyang career at personal life sa nasabing vlog na may titulong “All About Firsts by Belle Mariano.”

Isa sa mga question na ibinato sa kanya ay, “What was your first audition?” Dito, inalala ng dalaga kung paano siya napasok sa dating kiddie gag show ng ABS-CBN na “Goin’ Bulilit” noong 2012.

Sa edad na 9 daw siya nagsimulang umarte sa harap ng mga camera at hindi raw siya actually nag-audition sa nasabing programa tulad ng inaakala ng marami.

Aniya, may sinamahan lang siya sa taping ng “Goin’ Bulilit” pero nang makita raw siya ng direktor ng show na si Bobot Mortiz, sinabihan siyang mag-join sa isang skit.

“Sabi niya sa akin na parang, ‘Uy, salang ka, salang ka sa isang skit namin.’ So ako, game, kasi I really want to,” chika ng young actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Kasunod nga nito, sinabihan siya ni Direk Bobot na bumalik sa susunod na linggo para mag-taping sa next nilang episode hanggang sa maging regular na siya.

Aniya pa sa aksidenteng pagkakasali niya sa kiddie gag show, “Hindi siya really an audition for me because parang na-invite lang ako doon, and I enjoyed it.

“I really enjoyed it, because ever since I wanted to be on those types of shows since growing up, nanonood na ako ng Barney,” pagbabalik-tanaw pa ni Belle.

Ang unang teleserye naman ng dalaga ay ang Kapamilya primetime series na “Lorenzo’s Time” kung saan nakasama niya sina Zaijian Jaranilla at Carmina Villarroel na umere noong 2012.

Sa tanong naman kung kailan niya na-realize na meron na siyang sandamakmak na fans kabilang na ang mga supporters ng tambalan nila ni Donny na DonBelle ay nang magkaroon siya ng Twitter account.

“I think, na-realize ko when I started to use Twitter. They are commenting and giving feedback about my acting, my posts.

“I don’t remember when. Pero check niyo na lang po yung Twitter ko, kung kailan po ako nag-start,” aniya pa.

Sa huling bahagi naman ng video, ibinahagi ni Belle ang naging experience niya sa unang pagsabak niya sa mundo ng vlogging.

“Siguro, me, talking to the camera and stuff, I did a vlog before and I never worked out guys.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tinray ko talaga, ang hirap ng edit, ang hirap lahat. Pero iyong as in talaga na prepared ako, it’s this one,” sabi pa ng young actress na nakakuha agad 90.3k followers bago pa ang official launch ng kanyang YouTube channel.

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Belle Mariano: Ako po yung tipo ng bata na laging bida-bida sa family reunion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending