Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19 | Bandera

Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19

Ervin Santiago |September 20,2021
facebook
share this

Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19

Ervin Santiago - September 20, 2021 - 06:12 PM

Trina Legaspi & Family

HUMILING ng dasal ang young actress at dating “Goin’ Bulilit” star na si Trina “Hopia” Legaspi sa madlang pipol para sa paggaling ng kanyang pamilya.

Ibinalita ni Trina sa pamamagitan ng social media na hindi rin nakaligtas ang ilang miyembro ng kanyang pamilya at tinamaan din ng COVID-19.  

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng dating child star ang screenshot ng pakikipag-video call niya sa ilang mga kapamilya.

Ayon kay Trina, isa sa mga hinihiling nila ngayon sa Diyos ay mabigyan sana ng “brand new lungs” ang mga kamag-anak na nahawa ng COVID-19 at ang tuluyang paggaling ng mga ito.

“Praying for complete healing from COVID-19 for my family and financial provision,” pahayag ni Trina.

Sa gitna ng kinakaharap na pagsubok, nananatiling positibo ang pananaw ng pamilya ng aktres, “We believe gagaling kami and God, you will provide for us!” 

Kung matatandaan, ibinandera ng youngstar ang engagement nila ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina. 

Sa isang panayam, nabanggit ni Trina na plano nilang magpakasal ni Ryan bago matapos ang 2021. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending