Sunshine sa basher na tumawag sa kanya ng maarte: Hindi masama ang ugali ng artista dahil lang tumanggi sa gusto n’yo
“ANG arte n’yan ‘di nga namamansin!” Yan ang akusasyon ng isang netizen sa aktres na si Sunshine Cruz nang makita raw niya ito sa taping ng bagong serye ng GMA 7.
Hindi naman ito pinalampas ng celebrity mom at talagang sinagot ang hater kasabay ng pagpapaliwanag sa tunay na nangyari.
Ipinost ni Sunshine ang screenshot ng naging sagutan nila ng nasabing netizen sa kanyang Facebook account noong Miyerkules, October 12, kalakip ang ginawang paglilinaw tungkol sa pinagsasabi ng basher.
Sa comment section ng isang artikulo na naka-post sa isang website nag-iwan ng reaksyon ang hater tungkol sa ginagawang afternoon series ni Sunshine sa GMA 7, ang “Underage.”
Hirit ng netizen, “Hay nko ang arti nyan di nga namamansin, yan eh ang arti.”
Reply sa kanya ni Sunshine, “I will remember your face next time para mabati na kita Ate.
“Pasensya na po pero hindi ako maarte o hindi masama ang ugali ng isang artista pareho ng sinasabi mo dahil hindi nagawa ang gusto nyo.
“Intindihin nyo po sana na may protocols po kami sa taping. Bawal makihalubilo gawa ng naka bubble po ang production,” ang cool na cool na sagot ng aktres.
View this post on Instagram
Pero bumanat uli ang netizen, “Di manlang nagpapasalamat sa mga barangay nong lumabas galing looban hahaha!”
Nang mabasa ito ni Sunshine, ini-screenshot niya ang mga pinagsasabi ng basher at ipinost sa Facebook last Friday, October 14. Dito muli siyang nanawagan sa publiko na huwag magpakalat ng hate comments sa kanyang Facebook page.
“On behalf of our production pasensya na… GMA is after the safety of everyone.
“Naka-bubble po ang taping. Meaning hindi po kami pwede makihalubilo sa iba gawa ng pandemia.
“Huwag na po mainit ang ulo. Hindi po yan maganda sa ating heart. Wag nyo i-flood ng negativity ang aking page (heart emoji),” pakiusap ni Sunshine.
Sunshine todo pasalamat kay Diego sa pagiging ‘protective at best kuya’ sa kanyang Tres Marias
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.