Jane de Leon um-attitude raw sa isang event, organizer nagsalita na | Bandera

Jane de Leon um-attitude raw sa isang event, organizer nagsalita na

Therese Arceo |October 15,2022
facebook
share this

Jane de Leon um-attitude raw sa isang event, organizer nagsalita na

Therese Arceo - October 15, 2022 - 06:42 PM

Jane de Leon um-attitude raw sa isang event, organizer nagsalita na
MISMONG ang organizer sa nagdaang event sa Bataan na ang nagsalita patungkol sa diumano’y pagiging “diva” raw ng Kapamilya actress na si Jane de Leon.

May isang event kasi sa probinsya na dinaluhan ng “Darna” lead star kung saan invited rin si Ruru Madrid na bida sa katapat niyang fanta-series na “Lolong”.

Marami nga ang naaliw sa pagsasama nina Jane at Ruru sa isang event at nagkaroon pa nga ng tambalang Darna at Lolong o #DarLong.

May ilan pa na nagbiro at sinabing magtatapat na raw ang dalawang superhero at sa Bataan na nga raw ang pinakabonggang venue ng kanilang pagtutuos.

Ngunit nang matapos ang naturang event ay may mga kumalat na chika na tila nag-attitude raw si Jane habang nasa event.

Bukod pa rito ay may lumabas ring blind item na tila may “gandarang girl” ang nag-ala diva at sinadya raw nitong magpahuli ng dating sa nasabing event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Ayon pa sa chika ay kaya raw niya ito ginawa ay para hindi raw ang “pogilicious” na aktor ang maging finale sa event.

Agad naman itong nakita ng mga netizens at ang hula agad nila ay sina Ruru at Jane ang tinutukoy sa blind item.

Kaya naman nagsalita na ang event organizer at pinabulaanan ang mga kumalat na chika patungkol sa aktres.

“Pareho sila ng call time ni Jane at ni Ruru at pareho silang dumating sa oras. Sa line-up ng performers, si Jane talaga ang finale. Kasi yung mayor namin ay palagi talagang dnanonood ng mga ABS-CBN shows pati na Darna,” paglilinaw ng event organizer.

Giit pa nila, “Hindi siya nagmahadera. Hindi siya nag-attitude!”

Sa ngayon ay wala na sa social media ang naturang blind item online.

Related Chika:
Jane de Leon binanatan ng netizen, binuhay ang pagiging Kakampink: Let’s boycott Darna!

Darna nakipag-bonding sa mga jeepney driver; Jane de Leon sumabak sa pagiging kundoktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Iza Calzado, Jane de Leon trending sa full trailer ng Darna: ‘Nahanap na nila ako!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending