Iza Calzado, Jane de Leon trending sa full trailer ng Darna: 'Nahanap na nila ako!' | Bandera

Iza Calzado, Jane de Leon trending sa full trailer ng Darna: ‘Nahanap na nila ako!’

Ervin Santiago |July 08,2022
facebook
share this

Iza Calzado, Jane de Leon trending sa full trailer ng Darna: ‘Nahanap na nila ako!’

Ervin Santiago - July 08, 2022 - 08:49 AM

Iza Calzado at Jane de Leon

TRENDING at viral na ang inilabas na official trailer ng bagong TV remake ng “Darna” mula sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Talagang inabangan at tinutukan ng madlang pipol ang kauna-unahang full trailer ng “Mars Ravelo’s Darna” kagabi kaya naman talagang pinag-usapan ito nang bonggang-bongga sa social media.

Makikita sa nasabing trailer si Iza Calzado bilang si Darna na nakikipagbakbakan sa mga kalaban mula sa ibang planeta na sumalakay sa Pilipinas para agawin sa kanya ang mahiwagang bato.

“Nahanap na nila ako,” ang dialogue ni Iza bilang si Leonor-Darna nang makita ang pagsalakay at panggugulo ng mga makapangyarihan ding mga kontrabida.

Kasunod nito, ipinagtapat ni Iza kay Jane bilang si Narda na siya na ang susunod na protektor ng bato kaya kailangan niya itong paghandaan para mailigtas ang buong mundo.

Sa 3-minute preview ng “Mars Ravelo’s Darna,” makikitang nagte-training si Jane bilang paghahanda sa pagiging Darna.

Ipinasilip din dito ang pagsubo niya sa mahiwagang bato ngunit nabitin naman ang manonood dahil hindi pa rin siya ipinakitang suot ang costume ni Darna.


Ipinakilala rin sa trailer ang iba pang makakasama nina Iza at Jane sa bagong version ng “Darna”, kabilang na sina Zaijian Jaranilla as Ding, ang sidekick ni Darna, Joshua Garcia bilang si Brian at si Janella Salvador bilang si Valentina, ang babaeng ahas.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa full trailer ng “Darna”.

“Excited na ko tagal ko ng inaabangan to.. Lahat ata ng pinay darna pinanood ko.. Kay naneth medved, anjaneth abayari, angel locsin, at marian rivera.. Ngayon si jane de leon.. For sure maganda din ito trailer palang.”

“Iza Calzado looks so gorgeous wearing that Darna costume and it radiates moreso to Jane.”

“Grabe ung graphics and cinematography, pati sound effects and so on. Hooooo pang HOLLY ang level, can’t wait.”

“Medyo naiyak lang ako sa part na nabaril si iza,huhuhu Pero ang ganda grabe kahit sa mga effect at suntukan scenes subrang kudos congrats Idol.”

“Grabe ung graphics and cinematography, pati sound effects and so on. Hooooo pang HOLLY ang level, can’t wait.”

“Wow excited sa TV series I’m sure maganda ang kalalabasan with direct chito rono the best sa mga horror and fantasy effects.”

Sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Chito Roño kasama  si Avel Sunpongco, mapapanood na ang “Mars Ravelo’s Darna” sa darating na Agosto sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, Jeepney TV, A2Z at iWantTFC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang announcement kung ito na nga ang papalit sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin na nagse-celebrate rin ngayon ng kanilang 7th anniversary.

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Darna mural alay sa mga tunay na Pinoy ‘superhero’; Jane, Joshua, Janella saludo sa mga bagong bayani

Iza Calzado lilipad na rin bilang Darna: Naiyak ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending