Sunshine Cruz tinalakan ang netizen na nagsabing maarte at masama ang ugali niya: I will remember your face next time | Bandera

Sunshine Cruz tinalakan ang netizen na nagsabing maarte at masama ang ugali niya: I will remember your face next time

Therese Arceo |October 15,2022
facebook
share this

Sunshine Cruz tinalakan ang netizen na nagsabing maarte at masama ang ugali niya: I will remember your face next time

Therese Arceo - October 15, 2022 - 05:10 PM

Sunshine Cruz tinalakan ang netizen na nagsabing maarte at masama ang ugali niya: I will remember your face next time
DIRETSAHANG sinagot ng aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz ang mga negatibong komento laban sa kanya ng isang netizen.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang mga screenshots ng mga comments labansa kanya.

Ayon kasi sa netizen ay diumano’y masama raw ang ugali ni Sunshine dahil nang makita niya ito nang personal ay hindi raw siya nito pinansin.

“Andon yan sa Tandang Sora di namamansin eh subra arte sama ugali yan,” comment ng netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Dagdag pa nito, “Di man lang nagpasalamat sa mga barangay nong lumabas galing looban haha. Hay naku ang arte nyan di nga namamansin yan eh ang arte.”

Hindi naman ito pinalagpas ni Sunshine at sinabing next time ay babatiin na niya ang sakaling magkita sila sa labas.

“I will remember your face next time para mabati na kita Ate. Pasensya na po pero hindi ako maarte o hindi masama ang ugali ng isang artista pareho ng sinasabi mo dahil hindi nagawa ang gusto nyo,” lahad ng aktres.

Kasalukuyan kasing nagte-taping sina Sunshine para sa Kapuso teleserye niya na pinamagatang “Underage”.

Dagdag pa niya, “Intindihin n’yo po sana na may protocols po kami sa taping… Bawal makihalubilo gawa ng naka-bubble po ang production.”

Bukod rito ay nakiusap na rin si Sunshine sa madlang pipol na sana ay iwasan na lamang ang pagpapakalat ng kanegahan sa kanyang Facebook page.

“GMA is after the safety of everyone. Naka-bubble po ang taping. Meaning hindi po kami pwede makihalubilo sa iba gawa ng pandemia,” pagpapaliwanag ng aktres.

Pakiusap pa ni Sunshine, “Huwag na po mainit ang ulo. Hindi po yan maganda sa ating heart. Wag mo po i-flood ng negativity ang aking page.”

Related Chika:
Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitang ‘buntis’ ang anak ni Sunshine Cruz fake news: Piliin n’yo pinaglalaruan n’yo, minor pa!

Sunshine Cruz sa mga nababagabag sa kanyang pananamit: Kindly unfollow for your peace of mind

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending