Aiko aprub sa mandatory drug testing sa showbiz, saksi sa mga artistang naadik sa droga
SANG-AYON si 5th district councilor Aiko Melendez sa mandatory drug testing tulad nina Sen. Robin Padilla at Leyte 4th District Representative Richard Gomez.
Sa kanyang Facebook account ngayong hapon ay nag-post si Konsi Aiko ng kanyang saloobin tungkol sa mainit na isyu ng mandatory drug testing.
Aniya, “My unsolicited opinion on my brothers in the industry, Senator Robin Padilla and Congressman Richard GOMA Gomez take on the MANDATORY DRUG TESTING.
“Kahit naman magkaiba sila ng pananaw tungkol sa issue makikita naman na pareho silang sang-ayon na ang illegal drugs ay nakakasira sa buhay di lang ng kabataan but also sa lahat ng nagiging addicted dito no matter the age,” simulang pagbabahagi ng aktres-politiko.
Dagdag pa niya, “For me, as a public servant, just as they are, my take on this is that I AGREE on the mandatory drug testing kasi, aminin naman na natin, our industry is one of the most susceptible sectors to drug addiction.
“One, because of the external and internal influences coming from every directions, especially to the youth. Two, the hours we keep at work. Ang iba sa amin, sume-segue from one taping/shooting to the next without proper rest na ang sagot sa kangaragan or pagod is drugs that have upper effects.
View this post on Instagram
“Ang dami ko nang nakita and nabalitaan na sa simula pangpagising lang daw hanggang ang ending, nagbebenta na ng mga kagamitan hanggang wala nang kumukuha kasi hindi na maaasahan sa trabaho.
“I agree on the mandatory drug test because prevention is always better than cure. Mas maganda maiiwas natin ang paggamit ng droga before it gets to the point of rehabilitation,” paliwanag pa niya.
Kamakailan ay pinangunahan ni Sen. Robin ang drug testing na siya mismo ang kusang loob na nagpunta sa PDEA para magpa-drug test, sabi nga niya, “Sinimulan ko na, tapusin n’yo na.”
Para kay Cong. Goma ay hindi lang dapat sa showbiz industry ang mandatory drug testing dapat daa maging sa mga pampubliko at pribadong ahensiya rin para sa kapakanan ng lahat.
Sa pagpapatuloy ni konsi Aiko, “But as what Cong. Richard suggested it should be across the board, not just in our industry. Public and private agencies and firms should also have theirs on a regular basis.
“Also, I don’t think it’s a violation to human rights if it is for the good of the majority. But as what Sen. Binoe also suggests, employers should shoulder the tests if it is work related.
“Walang magandang maidudulot ang droga. Bukod sa malulustay ang perang pinaghirapan mo, papangit ka pa kapag nag adik ka. Sino ba may gustong makita na nangyayari yan sa kakilala o kasamahan mo sa trabaho?
“And lastly, information drive. Educate. Educate. Educate.” aniya pa.
Samantala, kakapost lang ni Aiko na maysakit siya ngayon at nag-aalala ang manager niyang si Ogie Diaz dahil bukas na ang promo ng programa nilang “Mano Po 3.”
“So this Happened today! I’m sick I have fever from 40 to 39 temp but good thing me panlasa ako kasi I ordered Apple pie from Jansbake and I still can taste how good it is.
“So, good sign wala ako covid. Take note I paid for this because it makes me happy helping Small Online business. And also their shephereds pie is so good too. Thank you to my daughter Marthena Jickain who keeps on checking on me. Iba talaga ang me anak na babae.
“Si Andre Yllana naman sabi mom Over work ka.. rest din… Di bale ng overworked kasi naman wala ganap. But seriously You also need to hear your body when it needs resting.
“Thankful also to my brother Angelo Castaneda who is a registered nurse so para na din akong me sariling nurse at home.
“Currently my manager Ogie Diaz and my handler worried kasi our promo for Mano po 3 starts tom… so let’s pray na lagnat laki lang to,” pahayag ni Aiko.
Robin Padilla nagpa-drug test sa PDEA: Inumpisahan ko na po, tapusin n’yo na
Drug test muna sa mga artista bago sumabak sa trabaho…payag naman kaya ang mga taga-showbiz?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.