Robin Padilla nagpa-drug test sa PDEA: Inumpisahan ko na po, tapusin n’yo na
INALMAHAN ni Sen. Robin Padilla ang mungkahi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Ace Barbers bilang Chairman ng House Committee on dangerous drugs na magkaroon ng mandatory drug test among celebrities.
Naugnay ang mungkahing ito sa pagkakahuli sa aktor na si Dominic Roco sa isang buy-bust operation ng PDEA nitong nakaraang Sabado, Oktubre 2 sa Quezon City.
Ayon kay Cong Barbers, “Celebrities should be drug-free because they are public figures. The people, especially the youth look up to them so they should not use drugs, or worse, sell drugs.”
Katwiran naman ni Sen. Robin, “I am one in seeking to protect Filipinos from the ill effects of drugs, including my fellow workers in the movie industry. But we cannot oblige everyone to undergo a drug test as it is tantamount to violating their human rights.”
Maraming netizens ang nag-react sa pahayag na ito ni Cong. Barbers pero may mga humamon din na dapat maging ang mga mambabatas ay dumaan din sa drug test bilang malaki ang papel na ginagampanan nila sa pamahalaan.
Tinanggap ni Sen Robin ang hamong ito kaya naman kaninang umaga ay idinokumento niya na sumailalim siya sa drug test sa opisina ng PDEA. At negatibo nga ang naging resulta nito, ibig sabihin isa nga siyang certified drug free public servant.
Ang caption nito sa mga larawang pinost niya sa kanyang Facebook page, “Tayo po ay bumisita ngayong araw, Oktubre 5, 2022 sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang ating mga kasamahan sa industriya ng entertainment at pamamahayag, upang boluntaryong magpa-drug test.
“Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap, Director General Wilkins M. Villanueva, MPA, CESE at Director Derrick Arnold Carreon, CESE.
“Naniniwala po ako na kung may dapat pong sumailalim sa mga ganitong klase ng test, kailangan itong pangunahan ng mga opisyal sa gobyerno kagaya po ng inyong lingkod.
“Magandang umaga po at mabuhay po tayong lahat! #AngUtolMoSaSenado, #AksyonHindiDrama,” ang pahayag pa ng senador.
Dagdag pa niya, “Inumpisahan ko na po. Taposin niyo na. Let’s get it on.”
Marami naman ang pumuri sa naging hakbang na ito ng senador tulad ni @Jacqui Austria, “That’s the spirit of a true leader! Good job idol senator! Pamarisan po sana ang inyong gawi ng mas marami pang tao mapa-nasa gobyerno man o sibilyan. (clapping hands emoji).”
Gayun din si @AL Ashari Mariano, “Salam! Peace be with you Hon. Senator Roben Padilla at your public service to serve the Filipino people (heart emoji).”
Say naman ni @Remalyn Cepeda Maclay, “Wow good job idol Robin Padilla tama po kau.”
Nagpasalamat din ang Muslim brother ng senador na si Al Amin Datumanong Hassan, “Assalamualaikum… aming mahal na Senador Robin Padilla harinawa lagi kang mulusog at magampanan mo ang lahat ng gusto mong gawin…Aameen.”
Related Chika
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.