Rica Peralejo 'wasak' ang puso habang naglalaro ang mga anak...anyare? | Bandera

Rica Peralejo ‘wasak’ ang puso habang naglalaro ang mga anak…anyare?

Ervin Santiago - October 12, 2022 - 04:18 PM

Rica Peralejo 'wasak' ang puso habang naglalaro ng tubig ang mga anak...anyare?

Joseph Bonifacio, Rica Peralejo, Philip at Manu Bonifacio

NAGING emosyonal ang hindi na aktibong aktres na si Rica Peralejo habang pinanonood ang kanyang mga anak habang masayang naglalaro.

Feeling ni Rica napakabilis talaga ng pagtakbo ng panahon dahil parang kailan lang ay maliliit pa ang kanyang mga anak pero ngayon ay may ang lalaki na nga ng mga bagets.

Nag-share ang celebrity mom sa kanyang Instagram account ng litrato ng mga anak habang naglalaro ng tubig mula sa isang hose. Makikita rito si Rica na pinanonood lang ang mga bata.

“Watching this happen yesterday broke my heart in a million little pieces,” ang simulang caption ni Rica sa kanyang IG post.

Bukod dito, nagbahagi rin ang aktres ng photo sa kanyang Instagram stories kung saan kasama naman ng kanyang kids ang lola nilang si Alicia Peralejo.

Kasunod nito, inalala rin ni Rica ang kanyang kabataan habang pinanonood ang paglalaro ng mga anak. Aniya, nakaka-happy lang na ang mga naging experience niya nu’ng bata pa siya ay nararanasan din ng kanyang kids.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)


Sey ni Rica sa pagiging sentimental niya nu’ng mga oras na yun, “It is because of what will one day pass and what has already passed. I did this myself, in this village, with people I love. They are doing it now, in this village, people I love.”

Naglabas din siya ng saloobin tungkol sa pagtanda at inaming kung minsan ay may agam-agam siya about aging pero salamat daw sa isang kaibigan na nagpabago sa feeling niya hinggil dito.

“Maybe that is what makes one grateful, afraid, and mindful all at once. When we understand that ‘This, too, shall pass,’ then we can live life accordingly. We can live it well, wise, and in humble surrender,” sabi pa ni Rica.

Umaasa rin ang aktres na abutin pa niya ang pagsilang ng kanyang mga apo at mapanood din ang paglalaro mga ito tulad ng mga naranasan niya at ng kanyang mga anak.

Ikinasal si Rica sa kanyang asawang si Joseph Bonifacio noong 2010. Biniyayaan sila ng dalawang anak — sina Philip at Manu.

https://bandera.inquirer.net/303972/rica-maraming-pangakong-napako-dahil-sa-anak-payo-sa-mga-mommy-never-stop-listening-to-your-kids

https://bandera.inquirer.net/313242/rica-peralejo-nagbago-ang-goals-sa-buhay-dahil-sa-2022-elections

https://bandera.inquirer.net/289973/rica-peralejo-hinangaan-sa-post-tungkol-sa-self-love

https://bandera.inquirer.net/300757/vice-sa-pagkatalo-ni-beatrice-sa-miss-u-panalo-pa-rin-ang-pelepins-dahil-pinakamaganda-si-marian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending