Vice sa pagkatalo ni Beatrice sa Miss U: Panalo pa rin ang ‘Pelepins’ dahil pinakamaganda si Marian! | Bandera

Vice sa pagkatalo ni Beatrice sa Miss U: Panalo pa rin ang ‘Pelepins’ dahil pinakamaganda si Marian!

Alex Brosas |December 17,2021
facebook
share this

Vice sa pagkatalo ni Beatrice sa Miss U: Panalo pa rin ang ‘Pelepins’ dahil pinakamaganda si Marian!

Alex Brosas - December 17, 2021 - 07:18 AM

Vice Ganda, Marian Rivera at Beatrice Gomez

ISA si Vice Ganda sa nagandahan kay Marian Rivera nitong nakaraang Lunes nang mag-judge ang Kapuso actress sa Miss Universe pageant.

Sa noontime variety show na “It’s Showtime” ay sinabi ni Vice Ganda ang kanyang paghanga sa dyowa ni dingdong Dantes nang mapanood niya ito sa 70th Miss Universe na ginanap sa Israel. 

“Ako, na-lotlot sa Miss Universe pero happy pa rin naman ako. Pero kahit hindi napatungan ng crown si Beatrice (Luigi Gomez), panalo parin ang ‘Pelepins’ dahil ang pinakamaganda si Marian kanina,” say ni Vice Ganda.

“’Di ba, ang ganda ni Marian, nakaka-proud…sabi ko nga, sayang, sana ano e, pinagsayaw ng ‘Sabay-Sabay Tayo’. Nakakatuwa,” dagdag pa ng TV host-comedian.

Pinagbalingan naman ni Vice Ganda si Vhong Navarro na walang reaction sa kanyang sinabi.
Inuna pa raw kasi nito ang pagpapakulot ng buhok kaya hindi napanood ang Miss Universe 2021 pageant.

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


* * *

Lagot si Jigs (Markus Patterson)!  Huwag munang magdiwang ang councilor dahil may banta si Archie (Vance Larena) na may hawak itong ebidensya sa iba pa niyang na-biktima sa “Viral Scandal.”

Matapos ngang mabasura ang kasong rape na isinampa ni Rica (Charlie Dizon), nagsimula nang magsaya ang Ramones sa pag-aakalang matatapos na ang gulong kinasangkutan ni Jigs.

Ngunit biglang tumawag si Archie sa konsehal para sabihing may kopya siya ng mga pag-uusap nila sa group chat ng kanilang barkada.

Hindi natapos doon ang pananakot ni Archie dahil tumawag muli siya sa binata kaso si Raven (Kaila Estrada) ang nakasagot. 

Hindi niya nakilala si Raven at inakalang bagong babae ito ni Jigs. Sinabihan pa niya na mag-ingat sa lalaki at baka magaya sa sinapit ni Rica. Nagpadala pa siya ng litrato sa cellphone ni Jigs kalakip ang mensaheng, “Remember her? Hindi rin niya alam na kinunan siya, right?”

Samantala, galit na galit naman ang mga Sicat sa kinahinatnan ng kasong isinampa nila. Labis na nababahala sina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval) sa kalagayan ni Rica lalo pa at nagdesisyon itong ipagpatuloy ang pagbo-board exam.

Gayundin si Troy (Jake Cuenca) na pinuntahan pa si Rica para alamin ang lagay nito. Sinabi ng mayor na nag-aalala siya rito at ang kagustuhan din niya ay pagbayaran ni Jigs ang kasalanan nito. 

Ngunit ipinamukha ni Rica na hindi niya kailangan ito at may tatay na siyang pumoprotekta sa kanya. Batid ni Rica na hindi kayang talikuran ni Troy ang pamilya at posisyon at pumanig sa kanya.

Ano kaya ang gagawin ni Jigs para matigil si Archie sa paglalantad ng iba pa niyang tinatagong baho? Mag-iba kaya ang pananaw ni Raven sa pinsan dahil sa nakita? Ititigil naman ba ni Rica ang paglaban sa hustisya?

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Beatrice Luigi Gomez (@beatriceluigigmz)

https://bandera.inquirer.net/300369/marian-inakyat-si-beatrice-sa-stage-ng-miss-universe-2021-sigaw-sa-pinoy-fans-proud-tayo-di-ba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending