K-Pop boy band ‘Treasure’ nag-release ng mini album, may bongga pang music video
NAGLABAS na ng bagong mini album ang K-pop boy band na “Treasure.”
Ito ang “The Second Step: Chapter Two,” isang follow-up album ng “The Second Step: Chapter One” na ni-release lang nitong Pebrero.
Anim na kanta ang tampok sa bagong album, kabilang na riyan ang rock remix ng viral hit na “Darari,” pati na rin ang “Thank You,” “Hold It In,” at “Clap!”
Tampok rin ang upbeat dance song na “Hello” na may music video na rin sa YouTube.
Trending ang nasabing music video at pang-anim ito sa listahan ng YouTube.
Kasalukuyang umaani ng mahigit five million views and counting ang “Hello” MV matapos i-upload kahapon.
Noong Hulyo, nagtanghal ang grupo sa Pilipinas sa unang pagkakataon.
Nag-perform sila bilang parte ng “K-Pop Masterz,” kung saan nakasama nila ang ilang sikat na K-pop artist gaya nila BamBam at Jackson Wang ng K-Pop boy band Got7.
Nag-debut ang Treasure noong 2020 kasabay ng single album nila na “First Step: Chapter One.”
May labing dalawang miyembro ang grupo at nabuo sila dahil sa “YG Treasure Box,” isang reality-survival program sa South Korea.
Read more:
Pinoy fans ng BLACKPINK at Treasure nag-donate para sa nasalanta nina Rolly at Ulysses
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.