Pinoy fans ng BLACKPINK at Treasure nag-donate para sa nasalanta nina Rolly at Ulysses Bandera

Pinoy fans ng BLACKPINK at Treasure nag-donate para sa nasalanta nina Rolly at Ulysses

Ervin Santiago |November 23,2020
share this

Pinoy fans ng BLACKPINK at Treasure nag-donate para sa nasalanta nina Rolly at Ulysses

Ervin Santiago November 23, 2020 - 02:04 PM

SUPER touched si Vice President Leni Robredo sa ginawang pagtulong ng fans ng Korean group na BLACKPINK at Treasure sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Todo ang pasasalamat ng Bise Presidente sa ibinigay na donasyon ng mga ito para sa isinasagawa nilang relief operations sa mga lugar na matinding tinamaan ng sunud-sunod na bagyo sa bansa.

Sa pamamagitan ng kanyang official Twitter account, ibinahagi ni VP Leni ang mga litrato na kuha habang ibinibigay sa Office of the Vice President ang donasyon ng mga supporters ng Treasure, ang Yedam at ang ayuda galing sa Filo Blinks o Filipino BLACKPINK fans.

Mensahe ng Pangalawang Pangulo, “Super touching that these K-Pop fans are doing their share through our office’s relief efforts for typhoon victims.

“Thank you very much @YedamStarIntl (supporters of Bang Yedam of TREASURE) and @filoblinksph (fans of Blackpink) for your generosity,” bahagi pa ng kanyang tweet.

Isa ang BLACKPINK sa mga sikat na sikat na K-Pop group hindi lang sa Korea at Pilipinas kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.

Ito’y binubuo nina Jennie, Lisa, Rosé, at Jisoo. Ilan sa mga pinakasikat nilang kanta ay ang “DDU-DU-DDU-DU,” “Kill This Love,” at “As If It’s Your Last.”

Ang Treasure naman ay binubuo nina Yedam, Haruto, Doyoung, Hyunsuk, Jihyun, Junghwan, Jungwoo, Yoshinori, Junkyu, Mashiho, Jaehyuk at Asahi.

Samantala, isa na namang bonggang achievement ang natanggap ng BLACKPINK matapos ibandera ng Variety na ibibigay nila sa grupo ang “Group of the Year” sa kanilang special event “Hitmakers” sa Dec. 2.

Ayon sa Soompi’s report, ito ang unang pagkakataon na makakatanggap ang nasabing K-Pop ng award mula sa American magazine.

Bukod sa BLACKPINK ang iba pang awardees ay sina Harry Styles para sa “Hitmaker of the Year,” Lewis Capaldi for “Songwriter of the Year,” J Balvin for “Collaborator of the Year,” at Roddy Ricch para sa “Breakthrough Artist of the Year.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending