Pinay K-pop idol Chanty na-miss lumafang ng pakbet, daing at langka; naiyak nang makauwi uli sa Pinas | Bandera

Pinay K-pop idol Chanty na-miss lumafang ng pakbet, daing at langka; naiyak nang makauwi uli sa Pinas

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 07:55 AM

Chanty at Korean girl group Lapillus

NAPAIYAK ang Filipina-Argentinian member ng K-pop all-female group na Lapillus na si Chanty nang balikan ang panahong nagsisimula pa lang siya sa ABS-CBN. 

Naging emosyonal ang dalaga nang mapanood ang video clip ng mga naging kaganapan sa kanyang career sa guest appearance niya sa “Piegalingan” ng PIE Channel.

“Na-touch ako, grabe! Super na-touch ako kasi ‘yun nga, ang dami kong na-experience dito sa ABS-CBN. Super grateful ako sa lahat nang natutunan ko rito and dahil sa experience ko dito, nadala ko siya sa Korea,” ang lumuluhang pahayag  ni Chanty.

Aniya, ang lahat ng naging experience niya noon sa Kapamilya network ang nagsilbing foundation niya para magpursige at karirin ang training niya sa Korea para maging K-Pop idol.

“Iyon ‘yung nagbigay sa akin ng strength and ng motivation to keep going kasi sobrang hirap talaga ang training sa Korea nung time na ‘yun especially hindi ko rin alam kung ano ‘yung magiging reaction.

“Like how it is going to go after our debut or magde-debut talaga ako so super nag-risk ako and yeah super grateful ako. Na-touch ako nakita ko ‘yung sarili ko,” sabi ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by @official.lapillus


Samantala, tuwang-tuwa at feeling blessed ang K-Pop star na nabigyan siya ng chance para makauwi muli ng Pilipinas makalipas ang dalawang taon.

Kasama niyang nagtungo sa bansa ang iba pang members ng Lapillus na sina Bessie (Korean), Seowon (Korean), Haeun (Korean), Shana (Japanese), at Yue (Chinese-American).

“Hindi ako makapaniwala kasi two years na since bumalik ako dito so parang feeling ko nananaginip ako at ang sarap sa tainga pagdating namin sa airport Tagalog ‘yung naririnig ko,” aniya.

Dagdag pang chika ng singer-performer, “Super grateful ako and humbled kasi paglapag na paglapag namin dito ang aming mga fans ang positive nang pag-welcome sa amin.”

Sey ni Chanty, talaga raw na-miss niya ang pagkaing Pinoy, “Pinakbet, daing, ‘yung mga ganu’n, champorado, langka, ‘yung mga ganyan.”

Nito lamang nagdaang June nang maging certified K-pop idol si Chanty sa pamamagitan nga ng grupo nilang Lapillus kasabay ng paglabas ng music video nila para sa kanilang debut single n “Hit Ya”.

Chika pa ni Chanty sa nauna nilang interview, “One of the charming points of our group is that we’re so diverse, we come from different backgrounds, we speak many languages so if we go to a certain country, we could communicate with our fans there.”

Dagdag ng  dalaga, “Since we just debuted, we’re going to focus on our promotions here in Korea, but our company as well as Lapillus, we have this desire to go more global and meet our global fans as well. 

“For now, we only have English lines with the lyrics. Maybe in the long run, it could be possible to include Filipino lines. Who knows?” sabi pa ni Chanty.

Narito ngayon ang Lapillus para sa kanilang fan meet at ilang guest appearances sa mga TV shows sa iba’t ibang network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/323337/k-pop-group-na-lapillus-enjoy-na-enjoy-sa-pinas-nakatikim-na-ng-mga-lutong-pinoy-bet-na-bet-ang-ube-at-champorado
https://bandera.inquirer.net/281348/ac-bonifacio-payag-bang-mag-audition-sa-korea-para-maging-k-pop-idol
https://bandera.inquirer.net/299189/yorme-gagaya-sa-style-ng-korea-para-palakasin-ang-showbiz-industry-inspirasyon-ang-bts-blackpink
https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending