Vhong humagulgol sa kulungan nang iwan na ng asawa: Makikita mo talaga sa mukha niya bagsak...pinipilit niyang kumain | Bandera

Vhong humagulgol sa kulungan nang iwan na ng asawa: Makikita mo talaga sa mukha niya bagsak…pinipilit niyang kumain

Ervin Santiago |September 29,2022
facebook
share this

Vhong humagulgol sa kulungan nang iwan na ng asawa: Makikita mo talaga sa mukha niya bagsak…pinipilit niyang kumain

Ervin Santiago - September 29, 2022 - 07:36 AM

Vhong humagulgol sa kulungan nang iwan na ng asawa: Makikita mo talaga sa mukha niya bagsak...pinipilit niyang kumain

Vhong Navarro at Tanya Bautista

BUKOD sa kanyang pamilya, humuhugot din ngayon ng lakas ng loob si Tanya Bautista sa mga kaibigan ni Vhong Navarro pati na sa mga dating karelasyon nito.

Todo ang pasasalamat ni Tanya sa mga ina ng dalawang anak ng TV host-comedian dahil buong-buo ang suporta ng mga ito sa kanilang pamilya sa gitna ng kinakaharap na mga kaso ni Vhong.

“Sobrang supportive nila. Alam mo, para kasi kaming family, e. So, siyempre, may time na mas focus ako kay Vhong,” ang pahayag ni Tanya nang makausap ng ilang members ng entertainment media kamakailan.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang panganay ni Vhong na si Yce ay anak niya sa kanyang ex-wife at dating aktres na Bianca Lapus habang ang pangalawa niyang anak na si Frederick ay anak niya sa isang non-showbiz girl.

View this post on Instagram

A post shared by 𝘁𝗮𝗻𝘆𝗮 𝘄𝗶𝗻𝗼𝗻𝗮 𝗯𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 (@t.winona)


Pagpapatuloy pa ni Tanya, “Talagang inaano nila, ‘Huwag kang mag-alala. The boys are okay,’ ganyan. Sila talaga constantly tsini-check kami.”

Kahit daw ang mga kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime” ay nakasuporta sa kanila, “Yung messages nila, ipinaparating nila through me. Very supportive sila. Minsan nga, alam mo yung ramdam mo sa kanila na hindi nila alam kung anong klaseng words ang ipapadala nila that may comfort me.

“Pero yung simpleng prayer for that day, ise-send lang sa iyo. Alam mo na yun lang pala ang kailangan mo for that day,” sabi ni Tanya.

Natanong din siya kung kumusta ang unang gabi ni Vhong sa  detention cell ng National Bureau of Investigation, “Sabi niya…at least, yun ang nag-pacify sa akin. Kasi sabi niya, ‘Okey naman. Mababait naman sila dito.’ Pero siyempre, hindi ko na alam yung hitsura, at ang sabi niya, pinapasaya raw siya ng mga kasama niya roon.

“Sabi niya, ‘Hindi ko kayang maging komedyante ngayon,’” ani Tanya na tuluyan nang napaluha. “Kaninang umaga? Alam mo, wala. Ano na siya, e, makikita mo talaga sa mukha niya. Tsaka yung, bagsak.

“Pinipilit niyang kumain. So, yung visit ko sa kanya, kasi nga, parang nagka-catch up kayo, kailangan ko siyang i-update in terms of yung mga ano sa case.

“Sobrang ang dami niyang tanong. ‘Kumusta na si Yce? Kumusta ka?’ Yung mga ganoon. ‘Tapos, gusto mong kuwentuhan bigla ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat.

“Tapos ayun, umandar yung oras na kailangan ko na, nu’ng kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya,” ang sabi pa ni Tanya habang lumuluha.

Dugtong pa niya, “Sobrang emotional na niya. Dinig ko talagang humagulgol na siya. Kasi, yun na. ‘Tapos, yung parang yakap niya. First time yung ganoon. Kasi nga mag-isa siya. Sabi ko nga sa iyo, bumabalik na naman yung trauma niya.”

Patuloy pang sabi ni Tanya, “Sabi niya humuhugot siya ng lakas sa akin. Pero sabi ko, ‘Mali. Baligtad. Ang nakikita kong lumalaban ka, mas lalo akong tumatapang.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya sabi ko, ‘Huwag kang bibigay.’ Mas mahirap lang ngayon kasi hindi ko siya kasama,” sabi pa ng misis ni Vhong.

Asawa ni Vhong Navarro natatakot para sa seguridad ng TV host-comedian

Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending