Vice sa pisikalan sa Showtime: Bardagulan bagong love language

Vice sa ‘pisikalan’ sa Showtime: Bardagulan is the newest love language!

Ervin Santiago |April 14,2024
facebook
share this

Vice sa ‘pisikalan’ sa Showtime: Bardagulan is the newest love language!

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 10:05 AM

Vice sa 'pisikalan' sa Showtime: Bardagulan is the newest love language!

Anne Curtis at Vice Ganda

PATOL kung patol ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa mga netizen na nagre-react sa pisikilang pagbibiruan ng “It’s Showtime” hosts.

Talagang nireplayan ng TV host-comedian ang ilang reaksyon ng mga social media users sa naging comment niya sa isang posted video nila ni Anne Curtis nitong nagdaang Biyerne, April 12.

Hindi niya pinalampas ang mga pumupuna sa pisikalang biruan nila ni Anne at ng iba pang hosts ng “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GMA 7.

Baka Bet Mo: Jelai Andres sa bashers: Pag bad ang tao, dapat mas lalo kang maging mabait sa kanya

Ilang beses na rin naming napanood ang mga nakakalokang bardagulan ng mga hosts ng show, hindi lamang nina Vice at Anne kundi pati na rin nina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Ryan Bang, Ion Perez at iba pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JUGS Jugueta (@jugsjugsjugs)


Knows namin na part yan ng kanilang trabaho bilang noontime show hosts at in fairness, matagal na nilang ginagawa iyan sa programa na ikinatutuwa naman ng madlang pipol.

Pero may ilang manonood nga na hindi pabor sa nangyayaring pisikal na biruan o bardagulan sa Kapamilya at Kapuso show tuwing tanghali.

Mapapanood sa naturang video sina Vice at Anne na nasa backstage at tila nagtatarayan habang nag-uusap. Pero bigla silang napangiti at nagkayapan.

Comment ni Vice sa video, “Ewan ko ba kung bakit ganyan ang trip naming lagi! Kahit off cam masayang masaya kaming nabubwisitan! Ang labo ng love language naming hahaha!”

Baka Bet Mo: Sol Mercado nakipagsagutan sa nang-okray kay Sandra Lemonon; Denise Laurel nadamay

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing buti raw ang biruan nila ay hindi nananakal gamit ang kable ng kuryente o hampasan ng tabla.

Reply sa kanya ni Vice, “Hanggang sakalan lang po kami. Pero lotlot (talo) ako kay Anne because i have barbie arms. Chozzzz!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


Isang babaeng netizen naman ang nagkomento na wala namang mali sa pag-ookrayan pero huwag naman daw sanang umabot sa pisikalan.

“Wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae nya,” sabi nito. Inalala pa niya ang napanood na episode ng show kung saan may inilagay si Jhong sa buhok ni Vice, “tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo sya. Respect po parin sya.”

Sagot naman ni Vice sa kanya, “Wag nyo po kaming alalahanin. Kami mo po ang may relasyon kaya kami po ng magdedecide kung paano kami maghaharutan.

“Iba iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan,” dagdag pa ng komedyante.

May kumampi naman sa nag-comment na netizen at sinabihan si Vice ng, “Hello @vicegandako pero syempre national tv kayo…may kaakibat na social responsibility kayo..wag natin gawing pisikalan ang birua kasi iisipin ng mga bata…okay lang yun.”

Diretsahang sagot ni Vice, “Ang programang ito ay Rated PG (parental guidance, ang rating ng MTRCB sa show).”

In fairness, ipinagtanggol naman ng kanyang fans si Vice, sabi nga ng isa,  “Can relate to this… ganito ang true friendship.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang reply ni Vice sa kanya, “Bardagulan is the newest love language. Hehehe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending