Erika Poturnak, Kobe Paras naka-follow na uli sa IG account ng isa't isa, pero... Bandera

Erika Poturnak, Kobe Paras naka-follow na uli sa IG account ng isa’t isa, pero…

Therese Arceo |September 28,2022
share this

Erika Poturnak, Kobe Paras naka-follow na uli sa IG account ng isa’t isa, pero…

Therese Arceo - September 28, 2022 - 04:23 PM

Erika Poturnak, Kobe Paras naka-follow na uli sa IG account ng isa't isa, pero...

MATAPOS kumalat ang balitang pag-unfollow nina Erika Poturnak at Kobe Paras sa kani-kanilang Instagram accounts ay spotted na naka-follow na ulit sila sa isa’t isa.

Kabilang na ang dalawa sa mga paniguradong minamanmanan ng mga chikadorang marites buhat nang mag-trending at mapabalitang mukhang may something sa pagitan nilang dalawa.

At hindi na nga kataka-taka kung maraming mga mata ang nakamasid kina Erika at Kobe lalo na at hindi pa rin sila naglalabas ng kumpirmasyon kung ano nga ba ang relasyon nila.

Matatandaang nitong Linggo, September 26 ay marami ang nagulat matapos mamataang nag-unfollow ang dalawa sa isa’t isa sa kanilang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rikki 🦎 (@erikarae.p)

Bukod rito, napansin rin ng mga netizens ang tila pagbubura nina Erika at Kobe ng kanilang mga larawan noong magkaroon sila ng beach getaway noon sa Bali, Indonesia at iba pa nilang lakad.

Marami ang naging curious dahil noong nag-celebrate ang binata ng kanyang ika-25th birthday ay nag-post pa ang dalaga ng kanilang sweet pictures habang magkasama sa West Hollywood, California.

At mukha ngang okay na ang dalawa dahil nakita na ng mga netizens na muli na nilang pina-follow ang isa’t isa ngunit mukhang burado pa rin ang kanilang pictures together at naka-private na ang account ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.

Bagamat wala pa rin silang inilalabas na pahayag sina Erika at Kobe kung ano nga ba ang nangyari sa pagitan nilang dalawa na hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung may label na nga ba sila o wala.

Matatandaang June 15, 2022 nang una silang mamataan ng mga netizens na magkasama sa isang beach getaway at noong June 28 naman nang makita sila together habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang mga kaibigan.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Kobe at Erika hinggil sa kung ano nga ba talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Related Chika:
Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love

Kobe Paras, Erika Poturnak in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; hiwalay na agad?

Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending