Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever! | Bandera

Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

Therese Arceo |July 14,2022
facebook
share this

Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

Therese Arceo - July 14, 2022 - 01:29 PM

Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

NAGDESISYON ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak na sumailalim sa breast reduction surgery.

Ito ay ibinahagi ng dalaga sa kanyang TikTok account noong Biyernes, July 8.

“Happiest day of my life,” saad ni Erika sa caption ng kanyang post.

Suportado naman ni Ina ang pagpapabawas ng dibdib ng kanyang anak base na rin sa reply nito sa post niya.

“Woohoo!” sey ni Ina na may kasamang emoji na tila nagse-celebrate.

Maging ang social media personality na si Inka Magnaye ay happy para kay Erika.

“Congratulations love!! So happy for you!! I bet your back will feel AMAZING!!” comment nito.

Marami rin sa mga followers ni Erika ang nagpakita ng suporta sa dalaga.

May isa ring nag-congratulate sa kanya at sinabing sana raw ay tulad ng dalaga, magawa rin niya ang makapagpabawas ng dibdib.

@erikarae.p Happiest day of my life #breastreduction #breastreductionsurgery #fyp ♬ original sound – jake

Pag-cheer naman ni Erika, “Thank you!!! If you want to, you absolutely should!”

May isang follower rin ang dalaga na hindi na makapaghintay para sa kanyang turn na magpa-breast reduction.

“I can’t wait to have mine done,” comment ng netizen na sinagot naman ni Erika ng “best decision of my life”.

Kamakailan ay madalas na laman ng balita ang dalga dahil sa mga larawan nito online kasama ang basketball player na si Kobe Paras.

Marami sa mga netizens ang nag-iisip kung mayroon nga bang namamagitan kina Erika at Kobe matapos silang makitang nagbabakasyon sa beach kasama ang ilang kaibigan.

Mas lumalim pa ang haka-haka na baka may relasyon na nga ang dalawa dahil mas naging malapit at sweet ang mga larawang ibinabahagi nila sa Instagram noong nagpunta sila sa Bali, Indonesia kasama ang mga kaibigan.

Hanggang ngayon naman ay wala pa ring pahayag sina Erika at Kobe ukol rito pero sapat na para sa mga netizens ang mga larawang nakikita nila para kumpirmahin ang kanilang hinala na mag-dyowa ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang naka-base si Erika sa Amerika at nag-aaral sa Berklee College of Music.

Related Chika:
Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love

Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak spotted kasama ni Kobe Paras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending