Neri Miranda kinilabutan sa paggawa ng kanta ni Moira at Ogie: Mga henyo! Bandera

Neri Miranda kinilabutan sa paggawa ng kanta ni Moira at Ogie: Mga henyo!

Therese Arceo |September 23,2022
share this

Neri Miranda kinilabutan sa paggawa ng kanta ni Moira at Ogie: Mga henyo!

Therese Arceo - September 23, 2022 - 02:38 PM

Neri Miranda kinilabutan sa paggawa ng kanta ni Moira at Ogie: Mga henyo!
MANGHANG-MANGHA ang dating aktres at wais misis na si Neri Miranda matapos masaksihan ang on the spot na paggawa ng kanta ni Moira dela Torre at Ogie Alcasid.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ng asawa ni Chito Miranda ang larawan ni Moira katabi si Ogie na nagpa-piano.

“Yung bigla na lang may nabuong kanta si Moira habang pinaglalaruan ang piano nila Sir Ogie tapos tumabi si Sir Ogie at sinabayan niya si Moira na akala mo alam na niya yung song… grabeeee! Mga henyo!” humahangang saad ni Neri.

Aniya, sobrang tagos sa puso raw ang bagong ilalabas na kanta ni Moira.

“Nakakakilabot at na-witness ko ang pagbuo ng bagong kanta ni @moiradelatorre kagabi. Ang sakit sakit. Nakakapangilabot. Ang ganda ganda. Tagos sa puso. Na LSS na nga ako, haha! Saka ko na post yung BTS video kapag na-release na niya,” pagpapatuloy pa ni Neri.

Maging ang asawa ni Regine Velasquez na si Ogie Alcasid ay puring-puri rin sa galing nito.

“Tapos iba si Sir @ogiealcasid HUSAY!!!! Ang galing galing!! Naririnig nya lang si Moira na may kinakapang notes sa piano, sabi nya lang, “May I?” Tapos bigla na lang tumugtog na as if sya composer tapos ang ganda ganda! Mas lalong pinaganda yung song ni Moira, mas lalong ramdam mo yung sakit,” sey pa ni Neri.

Kwento pa raw sa kanya ni Ate Reg, hindi naman daw nag-aral ng mag-piano si Ogie kaya mas lalo siyang bumilib.

Biro pa ni Neri, mag-iipon daw siya para makabili ng grand piano para makapag-emote at kunyari maganda rin ang boses niya.

Samantala ibinahagi naman ni Moira sa kanyang Instagram account ang teaser ng bago niyang kanta kasama si Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

“San ka na, babalik ka pa ba. Kinalimutan mo na lang ba para lang makawala. San ka na, hihintayin ba kita. Parang di naman lumaban, pwede bang paniwalaan na merong iba. Ano ba ang aking halaga…San na ako pupunta, ba’t bigla-bigla ka na lang nawala, sinta…” ilan sa lyrics ng kanta niya.

Kahit hindi pa nailalabas ang buong kanta ay siguradong marami na namang maiiyak sa bagong ire-release niyang kanta.

Related Chika:
Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Neri Miranda kilig na kilig sa ‘Idol’ contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer!

Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending