Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya | Bandera

Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya

Ervin Santiago |September 20,2022
facebook
share this

Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 08:07 AM

Neri Miranda, Chito Miranda at Cash

MATAPOS ibandera ang nabiling condo unit para sa panganay niyang si Miggy, in-announce naman ni Neri Miranda na nakakuha na rin siya ng property para sa bunsong si Cash.

Ibinahagi ng aktres at successful businesswoman ang good news na ito sa kanyang social media followers kalakip ang litrato ng nabili nila ni Chito na bagong condo.

Sabi ng wais na misis ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, ang perang ginamit nila sa pag-purchase ng nasabing condominium unit ay mula sa mga talent fee ni Cash bilang product endorser.

Ani Neri sa caption ng ipinost niyang photo with Chito and Cash sa loob ng nasabing property, “Welcome to Cash’s Condo.

View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Lahat ng kinita nya sa endorsements, dito ko nilalagay. Gusto ko habang lumalaki ang mga bata, nakikita nila yung mga pinagtrabahuan nila.

“Eto rin ang magiging first negosyo ni Cash. Kagaya ni Kuya Miggy, ipapa-rent din namin to. Para mag generate ng income at mas makapag-ipon pa sila,” pahayag ni Neri.

Pagpapatuloy pa niya, “Ako mismo ang nagmamanage ng pera nila. Nilalagay ko sa investments at sa insurance.

“At kapag maiintindihan na nila ang importance ng saving their money, mas maaappreciate nila ang ginagawa namin ng Dad nila. Para kahit bata palang sana, maging wais na sila sa buhay,” sey pa ng matagumpay na negosyante.

Inamin naman ni Neri na hindi pa kumpleto ang bayad nila sa nabiling condo, “Hinuhulugan ko pa rin to. Kapag wala pang pumapasok na endorsement kay Cash, ako muna ang nagbabayad monthly.

“Yung kay Kuya Miggy, tapos na naming bayaran. Nakaraos din after ilang years, hehe!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sino kaya ang unang magiging lessee ni Cash? Basta ingatan nyo ha?” ang pahayag pa ni Neri Miranda na isa sa mga local celebrities na talaga namang hindi tumitigil para mas mapaganda pa ang buhay at kinabukasan ng kanyang pamilya.

Ion Perez nakabili ng mamahaling sasakyan; Vice Ganda ibinuking kung saan kumuha ng pera ang ‘asawa’

Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

Neri Miranda bumili ng condo para sa anak na si Miggy: Para habang bata pa, may negosyo na siya

Neri ibinuking si Chito: Ang layu-layo ng personality niya sa banda sa pagiging daddy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending