Ryza Cenon super happy, problema sa water bill solved na: 2k++ nalang babayaran namin Bandera

Ryza Cenon super happy, problema sa water bill solved na: 2k++ nalang babayaran namin

Therese Arceo |September 23,2022
share this

Ryza Cenon super happy, problema sa water bill solved na: 2k++ nalang babayaran namin

Therese Arceo - September 23, 2022 - 10:00 AM

Ryza Cenon super happy, problema sa water bill solved na: 2k++ nalang babayaran namin
MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Ryza Cenon ang bagong update patungkol sa kanilang water bill.

Matatandaang nag-rant kamakailan ang celebrity mom sa social media matapos umabot ng P120,000 ang kanilang bill kahit na madalas ang service interruption sa lugar nila.

“Ano kami may carwash? 10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????” pag-rant ni Ryza.

Nag-reply naman agad ang Maynilad kay Ryza at sinabing makikipag-coordinate sa kanya ang kanilang Zone personnel.

At nito ngang Biyernes, Setyembre 22 ay ibinandera ni Ryza ang magandang balita sa kanyang Instagram account patungkol sa kanilang bill.

“Yey!!! Naayos na!!” panimula ng aktres.

Pagpapatuloy ni Ryza, “Ok ito na ang update. Nag punta ang Maynilad para icheck yung water line namin tapos pinalitan nila ang meter namin.”

Aniya, pinayuhan daw sila na baka may leak ang kanilang tubo ng tubig kaya naman agad nila itonf ipina-check at doon nga ay nakita nilang meron ngunit maliit lamang ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

“Pero syempre nag question ako, bakit 120k umabot? Impossible po na aabot ng ganun kalaki sa isang buwan kahit may leak,” sabi ni Ryza.

Kaya naman daw may ginawang test sa lumang meter nila ang mga representative ng kumpanya ng tubig na nagpunta sa kanila at doon nga ay may natuklasan silang isa pang rason kung bakit umabot nang malaki ang kanilang bill.

Kuwento ni Ryza, “After po nun tumawag ang Zone Head nila sa amin to explain that since after testing the meter, nakita na worn out na din naman siya.”

At dahil nga raw worn out na ang kanilang meter ay sinabihan sila na kapag ganoon daw ay automatic na kung ano ang naging average bill nila sa huling anim na buwan ang siyang sisingilin sa kanila.

Masayang sey ni Ryza, “Kaya 2k++ nalang babayaran namin. Thank you po sa mga nag assist sa amin.”

Makikita sa uploaded photo niya na P2,116.21 na lamang ang kanilang babayaran mula sa naunang P120,000.

Marami naman sa mga netizens ang “napa-sana all” kay Ryza dahil sa pagiging maagap ng serbisyo ng naturang water company sa celebrity kesa sa kanilang mga ordinaryong mamamayan.

May mga nagsasabi na noong time na sila ay may leak sa tubo at umabot rin sa malaking halaga ang kanilang bill, sinigil pa rin sila nang malaki.

Related Chika:
Ryza Cenon inireklamo ang P120k water bill: ‘Ano kami may carwash?!’

Ryza Cenon kontra sa mga prank na nauuwi sa bullying; may panawagan sa magbabarkada na mahilig ‘mag-trip’

Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending