#HulingElBimbo: Reunion concert ng Eraserheads tuloy na tuloy na sa Disyembre | Bandera

#HulingElBimbo: Reunion concert ng Eraserheads tuloy na tuloy na sa Disyembre

Ervin Santiago |September 19,2022
facebook
share this

#HulingElBimbo: Reunion concert ng Eraserheads tuloy na tuloy na sa Disyembre

Ervin Santiago - September 19, 2022 - 03:30 PM

CONFIRMED! Tuloy na tuloy na ang pinakaaabangang reunion concert ng award-winning band at OPM legend na Eraserheads.

Mismong ang mga miyembro na ng grupo ang nag-announce ng good news sa buong universe sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

Kanya-kanyang post sina Ely Buendia, Buddy Zabala, Raymund Marasigan at Marcus Adoro sa Instagram at Facebook ngayong araw na agad namang kumalat sa iba’t ibang platforms.

Base sa poster na nakita namin, ang naturang reunion concert ay pinamagatang “Eraserheads Huling El Bimbo” at magaganap sa December 22 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Wala pang binanggit ang grupo kung kailan magsisimula ang pagbebenta ng ticket kaya naman siguradong ngayon pa lang ay abangers na ang kanilang fans kung kailan sila makakabili ng ticket.

Talagang nagpipiyesta ngayon ang mga loyal supporters ng banda, kabilang na ang mga celebrities, na halos lahat ay nagsabing hindi nila palalampasin ang pagkakataong mapanood muli ang grupo nina Ely. Isa nga sa agad nagkomento hinggil dito ay ang kapwa OPM icon ng banda na si Ice Seguerra.

Huling napanood na magkakasama ang mga miyembro ng Eraserheads noong 2016 para sa isang mini-concert kung saan kinanta nila ang mga classic hits ng banda na “Maling Akala”, “Popmachine” at “Poor Man’s Grave.”

Taong 2018 nang mapabalitang magsasama-sama uli sina Ely, Buddy, Raymund at Marcus sa UAAP men’s basketball finals. Pero agad itong pinabulaanan ni Ely.

View this post on Instagram

A post shared by Elean Buendia (@elybumbilya)


Kasunod nito, muling dinenay ni Ely noong 2019 ang napabalitang reunion concert ng Eraserheads. Ito ang dahilan kung bakit na-bash nang bongga ang singer-songwriter at siya ang sinisisi kung bakit hindi raw matuluy-tuloy ang pagbabalik ng E-Heads sa concert scene.

Depensa naman ni Ely, “It’s not like I’m the only one deciding these things. I’m just another cog in the machinery.

“Don’t get why when it’s something negative about the band, the blame falls on me, but if it’s something positive, oh, it’s a group effort. Anyway I was just trying to warn the general public. Peace,” aniya pa. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago ang kumpirmasyon ng reunion concert ng Eraserheads, nagparamdam na ang mga members ng grupo tungkol dito sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang litrato na may nakasulat na “E” sa kanilang socmed accounts.

Sey ni Ely, Eraserheads reunion posibleng mangyari: Pag tumakbo si Leni…

Isa pang member ng Eraserheads sumang-ayon kay Ely: I’m sorry if I’m breaking hearts…

Jason Abalos, Vickie Rushton engaged na: ‘Patugtugin na ang kampana!’

Zeinab Harake super happy sa piling ng bagong dyowa; todo pasalamat sa pagmamahal, tiwala ni Rhea Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending