Eraserheads biglang nag-trending, magkakaroon nga ba ng reunion?
POSIBLE na nga bang matuloy ang matagal nang hinihiling ng madlang pipol na reunion ng bandang Eraserheads?
Usap-usapan kasi sa social media ngayon ang sunud-sunod na pagpo-post nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Raymund Marasigan, at Marcus Adoro sa kanilang Instagram account ng pare-parehong larawan na may letrang “E”.
“Let me hear you sing it,” caption ni Buddy sa kanyang post.
Kaya naman agad na nag-trending sa social media ang cryptic post ng mga miyembro ng bandang Eraserheads dahil matagal nang inaasam ng madlang pipol na makitang magkaroon ng comeback ang mga ito.
“Sheesh reunion na ba this?” comment ng isang netizen.
Saad naman ni Bianca Gonzalez, “OMG”.
“I hope this isn’t just a vinyl release or another remastered version of an album,” hirit naman ng isa pang netizen.
View this post on Instagram
Talaga namang marami ang umaasa na sana ay talagang matuloy na ang reunion na matagal na nilang hinihiling mula sa dating miyembro ng Eraserheads.
Matatandaang noong 2002 nang kanilang ianunsyo na madi-disband na sila kasunod ng pag-alis ni Ely Buendia.
At noong 2016 nga ng huli silang makitang magkakasama para sa kanilang mini set kung saan kinanta nila ang “Popmachine”, “Maling Akala”, at “Poor Man’s Grave”.
Pero marami ang nabuhayan ng loob nang pabirong sinabi ni Ely na baka magkaroon ng Eraserheads reunion kung tatakbo sa pagkapresidente si Atty. Leni Robredo.
Ngunit nang ianunsyo na nga ng dating bise presidente ang pagtakbo, nilinaw ni Ely na nagbibiro lamang siya sa kanyang sinabi kaya naman marami sa mga netizens ang nalungkot matapos malaman na hindi matutuloy ang matagal na nilang sigaw na comeback mula sa banda.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng Eraserheads ay ang “Magasin”, “Ang Huling El Bimbo”, “Spolarium”, “With A Smile”, at “Alapaap”.
Related Chika:
Sey ni Ely, Eraserheads reunion posibleng mangyari: Pag tumakbo si Leni…
Netizens excited na sa Eheads reunion matapos ibandera ni VP Leni ang pagtakbo sa 2022
Isa pang member ng Eraserheads sumang-ayon kay Ely: I’m sorry if I’m breaking hearts…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.