Bwelta ni JV Ejercito sa chikang nakabuntis siya: Wag kayong gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao…
“FAKE news!” Yan ang bwelta ni Sen. JV Ejercito sa kumakalat na chika na nabuntis umano niya ang kanyang chief of staff.
Hindi pinalampas ng senador ang malisyosong balita at talagang diretsahan niya itong sinagot para matigil na ang mga taong nagpapakalat nito sa social media.
Nagsimula ito sa isang blind item kung saan isang senador daw ang umano’y nakabuntis sa kanyang chief of staff. Ilang clues na nakasaad sa nasabing artikulo ay tumutukoy daw kay JV.
Sa kanyang Twitter account kahapon, September 13, may isang netizen ang walang pakundangang nag-akusa sa mambabatas hinggil sa malisyosong balita.
Tweet ng netizen, “Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag settle sa nabuntis mong chief of staff? Lol.”
Nang mabasa ito ni Sen. JV agad siyang sumagot at tinawag na napakalaking kasinungalingan ang ibinibintang sa kanya.
“A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao.
“Nananahimik kami at nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible,” sabi ng senador sa kanyang Twitter post.
Hindi na makikita ngayon ang tweet ng netizen nang sagutin na siya ni JV. Ayon sa mga netizens mukhang natakot na ito dahil sa pagbwelta sa kanya ng senador.
Kasunod nito, nanawagan pa si JV na sana’y tigilan na ang pagpapakalat ng mga kasinungalingang balita sa social media at sa iba pang platforms.
View this post on Instagram
Aniya, sanay na raw siya sa mga tsismis at intriga lalo na sa mundo ng politika pero kawawa naman daw ang mga taong nadadamay na inosente at walang kamalay-malay.
Dugtong pang pahayag ni JV, hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na nakabuntis siya, may lumabas din daw noon tungkol sa kanila ng kanyang executive assistant (EA).
“Hay naku this particular circle spreading fake news of a ‘scandal’ of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen.
“Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya. Kawawa naman sila. Be responsible,” sabi pa ni Sen. JV.
Bukod dito, may ibinahagi pa siyang mga litrato kasama ang iba pa niyang female staff at pang-aasar niya sa mga netizens, baka raw sa susunod ay ang mga ito naman ang gawan ng tsismis at fake news.
https://bandera.inquirer.net/310600/jv-ejercito-hindi-pinangarap-mag-artista-mga-taga-showbiz-makikinabang-din-sa-universal-healthcare-law
https://bandera.inquirer.net/317157/robin-kakastiguhin-lahat-ng-tiwaling-opisyal-ng-gobyerno-hindi-puwedeng-puro-sorry-dapat-mag-resign-na
https://bandera.inquirer.net/280649/bwelta-ni-mega-sa-nagpakalat-ng-balitang-patay-na-si-fanny-serrano-ang-sasama-nyo
https://bandera.inquirer.net/281981/anak-ni-carlo-nakatanggap-ng-death-threat-magkano-sinasahod-nyo-para-gawin-to
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.