Robin patuloy na ipinaglalaban ang ilang pagbabago sa Constitution: Nasa 2022 na tayo, kailangan na sigurong mag-adjust…
MULING iminungkahi ni Sen. Robinhood Padilla na kailangan na talagang magkaroon ng “adjustment” sa 1987 Constitution na sinimulang ipatupad tatlong dekada na ang nakararaan.
Ayon sa actor-politician, sa ginanap na fourth hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, kailangang maging “open minded” ang lahat sa usapin tungkol sa pagbabago ng ilang probisyon sa Constitution.
“Nasa 2022 na tayo. Kailangan lamang siguro sa panahon ngayon ay mag-adjust tayo kung ano ang nangyayari, una sa paligid natin at kung ano ang nangyayari sa mundo. Dapat nandoon na po tayo. Hindi po tayo dapat sarado,” sabi ni Robin.
“Sa mga dumaan na panahon, natural lamang po na nagbabago ang Constitution,” aniya pa.
Nabanggit din ng senador ang mga pahayag ni Prof. Anthony Amunategui Abad ng Ateneo de Manila University School of Law, “The 1987 Constitution, in principle, dapat temporary lang ‘yan.
View this post on Instagram
“Sinabi lang ni Cory (Aquino) i-ratify para magkaroon tayo ng stability, pero dapat ayusin natin. So dapat pinag-aralan na ‘yung pagbabago sa 1987 Constitution as early as 1989 or 1990,” aniya pa.
Iginiit ni Robin na wala siyang sinisisi o sinasabing may mali sa 1987 Constitution, ngunit ipinagdiinan niya na ang mga Saligang Batas sa ating kasaysayan ay dumaan sa pagbabago.
“Kailan man po wala kaming sinabi na kasalanan ng isang pangulong dumaan kung ano man po ang nangyayari na kahirapan sa Pilipinas.
“Wala po kaming sinasabing ganoon. Ang malinaw po naming pinaparating po sa inyo na sa mga dumaan na panahon, natural lamang po na nagbabago ang Constitution,” sabi pa ng senador.
https://bandera.inquirer.net/299118/bitoy-halos-3-dekada-na-sa-gma-basta-you-care-about-each-other-hindi-mo-pipiliin-na-umalis-pa
https://bandera.inquirer.net/310691/kris-sa-7-buwang-pagsasama-nila-ni-perry-bilang-mag-asawa-we-just-keep-falling-for-each-other-over-and-over
https://bandera.inquirer.net/286224/ivana-dumaan-din-sa-matinding-hirap-may-time-na-wala-akong-raket-kasi-pangit-ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.