Posible pa kayang magkabalikan sina Moira dela Torre at Jason Hernandez? | Bandera

Posible pa kayang magkabalikan sina Moira dela Torre at Jason Hernandez?

Reggee Bonoan |September 05,2022
facebook
share this

Posible pa kayang magkabalikan sina Moira dela Torre at Jason Hernandez?

Reggee Bonoan - September 05, 2022 - 07:34 AM

Jason Hernandez at Moira dela Torrre

“OKAY naman siya, maglalabas siya ng album niya.” Ito ang sagot ng handler ni Jason Marvin Hernandez na si Mac Merla nang kumustahin namin ang singer-songwriter.

Si Jason ang asawa ni Moira dela Torre — yes mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Nasa Cornerstone office kami nitong Biyernes at isa nga si Jason sa kinumusta namin matapos ang controversial breakup nila ni Moira ilang buwan na ngayon ang nakararaaan.

Nabanggit pa namin na ang ingay-ingay ngayon ng pangalan ni Moira dahil kaliwa’t kanan ang imbitasyon sa kanya para mag-show sa ibang bansa at isa rin sa iniilagang judge sa “Idol Philippines” dahil masyado siyang istrikto.

Mas marami nga siyang sagot na “No” kung ikukumpara kina Gary Valenciano, Chito Miranda at Regine Velasquez.

View this post on Instagram

A post shared by Moira (@moiradelatorre)


Pero kapag nag-“yes” naman siya ay talagang makikita mo na worth it talaga ‘yung ibinoto niya na sa audition ay hindi pa gaanong mapapansin.

Pero nu’ng tumagal na at nakipag-showdown na sa ibang “Idol” hopefuls ay makikitang magaling pala. At talagang ipinararamdam ni Moira na gusto at kinikilig siya sa contestant.

Sabi nga niya noon kay Trisha Gomez na kasama sa Top 8 as of Saturday ay, “The moment I saw you and hear you sing, hindi ako nagkamali,” na totoo naman.

Saka may funny side rin si Moira lalo na kapag si Khimo Gumatay na ang nagpe-perform.

Seryosong tanong ng Queen of Hugot Songs, “Matagal ko na kasing gustong tanungin sa ‘yo ito, lagi kang may pa-dibdib (bukas ang damit), ano ba talaga, ano ba talaga laman ng dibdib mo ngayon? Grabe (dahil magaling), I’m a fan all the way.”

Going back to Jason, tinanong ulit namin si Mac kung ano na ang estado nila ngayon ni Moira at umiling lang ang handler.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa amin, sana someday ay magkaayos din sina Moira at Jason dahil base naman sa mga hugot at biro ng una sa “Idol Philippines” ay alam naming may pain pa rin siyang nararamdaman kasi mahal pa niya ang asawa.

Lalaking nadamay sa hiwalayang Moira at Jason nagsalita na: Ako ang handler nila, pakiusap umiwas na tayo sa tsismis

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

OK na nga ba uli sina Ana Jalandoni at Kit Thompson matapos magkademandahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending