Sam Cruz sa muling paglalapit nila ng amang si Cesar Montano: People can change | Bandera

Sam Cruz sa muling paglalapit nila ng amang si Cesar Montano: People can change

Therese Arceo - August 27, 2022 - 01:57 PM

Sam Cruz sa muling paglalapit nila ng amang si Cesar Montano: People can change

NAGKUWENTO ang aktres na si Sam Cruz tungkol sa muling paglalapit nila ng kanyang ama na si Cesar Montano.

Ayon sa dalaga, ngayong taon lang rin nang magsimula silang mag-reconnect sa kanilang ama.

Chika pa niya, malapit rin siya sa bagong partner ng ama na si Kath Angeles.

“We’ve all started to become very, very close. Just this year din po, I got to meet my other siblings with dad’s new partner Tita Kath,” saad ni Sam sa interview ng Star Magic Inside News noong Miyerkules, August 24.

Kuwento pa ni Sam, sobrang bait daw ang kasalukuyang partner ng kaniyang ama.

“She’s very nice and it’s just amazing how we’ve all gotten closer together. God has given us another chance to build another relationship with our dad,” sabi ng dalaga.

Sa katunayan ay present si Cesar at ang bago nitong partner pati ang mga anak nito sa debut ni Sam.

Ito rin ang unang pagkakataon na magkikitang muli ang kanyang inang si Sunshine Cruz at amang si Cesar Montano matapos ang mahabang panahon.

“It’s just great that everyone’s so civil and everyone just getting along,” sey ni Sam.

Bukod rito, natutunan raw ng Sam na hindi dapat ipagkait sa iba o ipagdamot ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon.

“That second chances should always be given. People can change and you just need to bring the goodness out of them,” wika ng dalaga.

Pagpapatuloy ni Sam, “And there’s really goodness in each and every one of us.”

Bukod sa reunion sa ama ay masaya rin ang dalaga na makita at makasama ang iba pa niyang mga kapatid bukod kina Angelina, Chesca, at kuya nitong si Diego na anak naman nina Teresa Loyzaga at Cesar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Na-meet na rin kasi nya ang tatlo pa niyang kapatid.

Dalawa ang anak ni Cesar sa kasalukuyang partner habang may isa naman itong anak sa beauty queen na si Sandra Seifert.

Lahad ni Sam, kumpara noon, mas maganda ang relasyon nila ngayon ng ama.

Dati kasi ay madalang silang magkausap ay nagkikita lamang kapag may espesyal na okasyon.

“Pero just recently, we got so close and we would text maybe at least once a day and we would see each other a lot,” sey ni Sam.

Sa katunayan, bukod sa kanyang debut party ay may iba pang party na in-organize ang ama para i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Diego, Angelina, Sam, Chesca nakipag-bonding kay Cesar Montano, Sunshine Cruz nag-react

Sam Cruz inatake ng matinding takot nang magka-COVID si Sunshine: Seeing her gone would crush me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending