Sunshine, 3 anak ibinandera ang birthday message para kay Cesar

Sunshine, 3 anak ibinandera ang ‘birthday’ message para kay Cesar

Pauline del Rosario - August 03, 2024 - 12:27 PM

Sunshine, 3 anak ibinandera ang ‘birthday’ message para kay Cesar

Sunshine Cruz with kids, Cesar Montano

KAHIT hiwalay na, parang isang pamilya pa rin ang dating mag-asawa na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano, kasama ang kanilang anak na sina Angelina, Sam at Chesca.

Ito ay matapos nilang ibandera ang masayang pagdiriwang ng ika-62nd birthday ni Cesar sa social media.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, binati ni Sunshine ang ex-husband, kalakip ang picture ng recent bonding nila kasama ang mga anak at ang non-showbiz partner ng aktor na si Kath Angeles.

“Happy birthday to the father of my children. God bless you, Kath and children more! See you guys soon. Cheers!” mensahe ng aktres.

Baka Bet Mo: Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Sunshine, 3 anak ibinandera ang ‘birthday’ message para kay Cesar

PHOTO: Instagram/@sunshinecruz718

May kanya-kanyang post din sina Angelina, Sam at Chesca sa kanilang IG pages at proud na ipinakita ang ilang throwback pictures kasama ang kanilang ama.

Sunshine, 3 anak ibinandera ang ‘birthday’ message para kay Cesar

PHOTO: Screengrab from Instagram Stories

Bukod diyan, may masayang post din si Chesca ng mismong selebrasyon ni Cesar na mapapanood ang paghipan niya ng kandila sa birthday cake.

Kwelang caption pa niya sa video, “We love you daddy! Happy 26th bday [laughing, heart emojis].”

Sunshine, 3 anak ibinandera ang ‘birthday’ message para kay Cesar

PHOTO: Screengrab from Instagram Story

Magugunita noong Mayo nang huling nagkasama sina Sunshine, Cesar, at si Kath upang ipagdiwang ang high school graduation ni Chesca sa De La Salle Santiago Zobel School.

Taong 2018 nang ma-annul ang kasal ng dating mag-asawa makalipas ang limang taong hiwalay.

Kung matatandaan, noong 2022 naman nang inamin ni Sunshine na super happy siya dahil nagkaayos na sila ng dating mister at nagkakasundo na ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Everything is okay na. Maayos na ang lahat, nagkakasundo.  Sino ba naman ang ayaw noon?” sey niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending