RR Enriquez rumesbak sa ama ni Ruru Madrid: Hindi po kinaiinggitan ang relasyon na walang label | Bandera

RR Enriquez rumesbak sa ama ni Ruru Madrid: Hindi po kinaiinggitan ang relasyon na walang label

Therese Arceo - August 26, 2022 - 02:08 PM

RR Enriquez rumesbak sa ama ni Ruru Madrid: Hindi po kinaiinggitan ang relasyon na walang label

SINAGOT ng TV personality at tinaguriang Queen Sawsawerra ng social media na si RR Enriquez ang ama ni Ruru Madrid.

Ito ay nag-umpisa nang magbigay opinyon ang TV personality ukol sa relasyon nina Bianca at Ruru na four years nang dating pero wala pa rin silang label.

Chika kasi ni RR, hindi siya makapaniwala na ang tagal nang magkasama ng dalawang Kapuso stars ay wala pa rin silang label.

“Four years and yet No Label?? Gurl if totoo man yan you should know your worth,” sey niya.

Kaya naman sinagot rin siya ng ama ni Ruru sa isang Instagram post nito.

Saad ng ama ng aktor, “Heto pala yung RR ENRIQUEZ. Artista ba to? Anong show. Nagpa # (hashtag) ng ‘prayforbianca’, gigil daw s’ya sa 4 years na walang label.

“Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. Daming pwdeng pagkaabalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. daming oras di sya busy. #PagInggitPikit,” sabi pa nito.

At ngayon nga ay rumesbak muli si RR sa post ng ama ng aktor.

“Ahahaha I love it na may isang lalaki na (ewan ko if lalaki ba talaga ito na pumatol sa pagiging sawsawera ko),” umpisa niya.

“Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na yan hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat yung show na pinapasukan ko 13 years ago,” saad ni RR.

Hirit pa niya, baka isa pa nga raw ang ama ni Ruru sa mga bumili ng mga sexy cover magazines niya noon.So baka po somehow nabiyayaan po ako.

“And by looking at your pictures po sorry din ha ayaw ko po kayo idisrespect but since kayo po una nag post sa akin na nag ask if artista ba ako… Sasagutin ko po ulit kayo. Sure po ako sa ating dalawa mas mukha po akong artista,” diretsahang sabi ni RR.

Humingi naman siya ng paumanhin kung nakisawsaw siya sa isyu nina Ruru. Depensa niya, naka-publish naman na daw ang kuwento at nakisawsaw lang daw siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Tanong pa ni RR, bakit hindi raw ang entertainment site na nag-post ang awayin ng ama ni Ruru dahil sa kanila nakita ng dating Wowowin dancer-TV host ang balita ukol sa walang label na relasyon nina Ruru at Bianca.

Dagdag pa niya, “And one more thing po if you want privacy huwag nyo po pag artistahin ang anak nyo para po may privacy sya.”

Binanatan rin ni RR ang “inggit pikit” hashtag ni Ginoong Bong Madrid.

Sey niya, “Sorry po I can’t pikit my eyes dahil hindi po kinakainggitan ang relasyon na walang label pasensya na po. And if you like privacy huwag ka po sumawsaw sa issue ng anak mo.”

Hirit pa ni RR, “Pero ok lang naman atleast ayan napasikat din kita. Compared to your post na 7 comments lang aba gusto ko po sabihin na mas sikat ang pagiging Sawsawera ko kesa sa inyo.”

Giit pa niya, wala naman daw siyang sinabing hashtag para kay Bianca.

Pahabol ni RR, “Magbasa ka po ng maayos at mukhang mahina ang reading comprehension nyo. I didn’t put any hashtag na pray for Bianca.

“No bad blood here.. Gusto ko lang po sawsawan yung post nyo bilang sawsawera ako CHAROT.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
RR Enriquez sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali: Four years yet no label?

RR Enriquez basag sa tatay ni Ruru Madrid: Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY!?

RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending