Hirit ni Darryl Yap gawing libre ang tuition fee sa Catholic school, Fr. Benny Tuazon pumalag: Mag-donate ka
MAY iminungkahi ang “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap na sana ay gawin na lamang libre ang tuition fee sa mga private schools.
Ito ay may kaugnayan sa isang pribadong eskwelahan sa Quezon City na bigla na lamang nag-anunsyo ng pagsasara.
“Kung talagang gusto ninyong tumulong sa mahihirap; gawin n’yong libre ang mga Catholic Private Schools at ipantay n’yo sa public ang suweldo ng mga guro ninyo. Yun, ang tunay na malasakit,” saad ni Darryl sa kanyang Facebook account noong Agosto 17.
Nag-react naman si Fr. Benny “Nongnong” Tuazon sa pahayag ng “Maid in Malacañang”.
“Bakit daw hindi gawing libre ang Catholic schools? Hmmm. Patulan natin. Gusto mong libre ang Catholic schools? Magdonate ka. If not, let part of the taxes paid to government be given as support to Catholic schools,” sagot ni Father kay Darryl.
Ibinahagi naman ng director ang isang pubmat ng kanilang naging sagutan sa kanyang Facebook account.
“Luh. Father, di na nagbabayad ng tax, nag-uutos pa magdonate? Dagdag commandment? Moses? Ikaw ba ‘yan?” banat ni Darryl sa pari.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang naturang pahayag ng direktor at ng pari.
Ang iba ay kampi kay Darryl at ang iba naman ay sang-ayon sa punto ng pari.
“Gusto nung libre sa catholic schools? Ask the government to cover all their costs. Let the govt paid for the salary of their teachers, their staff, paid for their utilities and maintenance of their facilities. Hayy, basta me masabi nalang,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Magpagawa ka ng sariling school mo Darryl Yap at lahat gawin mo libre para alam mo kung ano ang sinasabi mo na libre.”
View this post on Instagram
“Darryl point is the church receives donations without taxes paid.. so cguro nmn pwedeng ibaba ang tuition fee,” sey naman ng isa.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Fr. Benny sa naging sagot ng VinCentiments director.
Related Chika:
Darryl Yap nagpagupit na, pinuri ni Kuya Kim: Very good!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.