Heaven Peralejo naaliw sa free diving: It’s like entering a new state of consciousness
NAKAHANAP ng bagong pagkakaabalahan ang aktres na si Heaven Peralejo sa pamamagitan ng free diving.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video ng kanyang pagsisid sa karagatan.
“Just take a deep breath and relax. Been wanting to try freediving for so long and I finally did!” saad ni Heaven.
Aniya, ngayon daw ay naiintindihan niya na kung bakit nga ba nakakaadik ang free driving.
“Something I can say is that its more on mental than anything else I’ve tried. So challenging yet so simple at the same time. I can see now why freediving is addictive,” pagpapatuloy ni Heaven.
Hinikayat pa niya ang kanyang mga followers na subukan rin nila ang pag-free dive.
“It’s like entering into a new state of consciousness. If you’ve been thinking of trying this out, do it! I promise you, it’s a whole different experience,” sey pa ni Heaven.
Umani naman ng magagandang komento ang post niya mula sa mga netizens.
“Heaven on earth, ngayon heaven under the sea na din. Always dive with a buddy idowl. Dive safe. Equalize,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, ” New mermaid in town. Love it.”
View this post on Instagram
Makikitang nagpasalamat rin si Heaven sa mga umagapay sa kanya sa pagsisid maging ang mga kumuha ng larawan at video ng kanyang free diving experience.
Bibida siya sa pelikulang “Nanahimik Ang Gabi”, isa sa mga pelikulang kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.
Makakatambal niya sa upcoming movie ang batikang aktor na si Ian Veneracion.
Related Chika:
2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao
#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?
Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers
Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.